CHAPTER 15

67 43 2
                                    

Alam kong bagong rating palang namin dito sa Cebu ni mama ay hindi talaga ako nakapamasyal dahil, hindi ko ugaling gumala o pumunta kahit saan. Kunti lang din ang mga kaibigan ko, tanging si Belinda at Fiona lang ang nakatagal sakin.




Nasa jeep kami ngayon para pumunta sa syudad. Napagdesisyunan namin mag bonding, syempre kasama si mama at sina Glyzelle at Wiona.




Halos mapunit na nakangiti si Wiona at Glyzelle sa excitement na makakapamasyal daw sila. Ang sabi pa ni Timothy ay mananatili kami sa Hotel ng isang linggo. Napagtanto ko naman kung gaano ka gastos si Timothy, para wala siyang paki alam sa pagkakagastusan.




Castle Peak Hotel ang napili ni Timothy kung saan kami mananatili. Napatango naman kami at hindi na nakatanggi dahil gusto ko rin naman iyon at nakikita ko naman na tuwang tuwa ang mga kapatid ko.




Namangha naman ako sa kinuhang kwarto ni Timothy para kay mama at sa mga kapatid ko, nalulungkot lang ako dahil ako lang ang mag isa sa kwarto ko. Inaamin ko na nadismaya ako dahil nasa katawan ako ngayon ni Timothy, kaya hindi ako pwede kasama nila sa loob ng isang kwarto dahil ang alam nila mama ay lalake ako.




Ang kwarto nila ay may dalawang kama sa pagitan ng mga lamp shade, ang aliwalas at ang ganda ng pagkakadisenyo ng mga ito. Puti ang wall at brown ang mga design sa gilid nito.




Nanatili kami doon hanggang isang gabi dahil 2PM na din naman kami nakarating doon. Kumain na lang kami muna at nagpahinga at napagdesisyunan na bukas na lang kami mamasyal.




Kinabukasan maagang nagising kami lahat lalo na si Wiona at Glyzelle, sobrang saya at excited na daw silang mamasyal. Naligo at nagbihis na kami, kumain muna kami ng almusal bago kami umalis.




"Mactan is separated from mainland Cebu by the Mactan Channel and connected to the mainland by the Marcelo Fernan Bridge and the Mactan-Mandaue Bridge. Lapu-Lapu City and the Municipality of Cordova occupy Mactan island." aniyang sabi ng tour guide. Nandito kami ngayon sa Mactan, nagpapadala lang kami sa daloy ng tour guide at sumasabay lang kami sa kaniya habang nililibot ng aming mga mata bawat aming nakikita.




"Mactan Island is also home to top diving sites, beautiful islets, and marine sanctuaries. You can go island-hopping or go diving and snorkeling in the vibrant waters of Mactan."dagdag niya pa bago kami nag lakad. Napatingin naman sa gawi ko si Timothy at biglang lumaki ang mata, hindi ko naman alam kung ano ang gusto niyang sabihin at naglakad na lang ito.




"Additionally, Mactan offers unique dining experiences like the Lantaw Floating Native Restaurant and Entoy's Bakasihan.  Aside from the water activities and culinary treats, other Mactan attractions include the Alegre Guitar Factory and the Mactan Shrine." aniya na patuloy na sa pag lalakad.




Hinayaan naman kami munang maglibot libot at kumuha ng mga litrato ng tour guide namin basta, makarating kami sa tamang oras para hindi kami maiwan ng van.



Madami kami nakuhang larawan, at sobrang saya dahil ito ang unang beses kong makapasyal sa ganitong lugar.




Nang tanghalian kumain kami sa Fredz STK Seafood Haus. Kasama namin ang mga kasamahan namin sa tour na ito. Nagkaroon din ako ng close na babae dahil fan daw siya ni Timothy, medyo nahiya pa nga ako dahil hindi naman ako yon. Nginitian lang ako ng tunay na Timothy kaya napangiti na lang din ako sa mga babae.




"Ang sarap po mama" ngiting wagas ni Wiona.




"Oo nga po, ngayon na lang ako ulit nakakain nito" dagdag ni Glyzells habang binibiak ang malaking alimasag. "Huling kain ko ata nito kasama pa natin si papa" dagdag niya na nagpatigil sakin.




"Bakit? Hindi masarap?" tanong ni Timothy. Napailing na lang ako s sa kaniya at nagsimula na ulit kumain. Tiningnan pa ko ni mama pero hindi na lang niya pinansin iyon.




Halos ako ang nakaubos ng hipon, inaamin ko na paborito ko ang hipon kaya napadami ako ng kain, sina Glyzelle at Wiona alimasag naman ang kinain nila.




Pumunta ako ng restroom para maghugas ng kami at mag pee. Inaamin ko ng banggitin ni Glyzelle si papa ay may kung anong kumurot sa puso ko. Masaya naman ako kanina pero bigla nag-iba ang ihip ng hangin ng marinig ko iyon.




Alam ko nangungulila din sa ama si Glyzelle, pero hindi naman natin pwedeng pakialaman ang buhay ng taong masaya na sa piling na iba at bukod doon ay may iba ng pamilya. Naalala ko na naman ang gabi birthday ni tita Lori. Pinipigilan ko ang mga luha kong pumatak dahil ayoko naman na magtaka sila dahil mamaga ang mga mata ko.




Paglabas ko ng restroom, nakita ko si Timothy na nakatayo sa harap ng pinto. Hindi ko alam kung gagamitin ba niya iyon o hinihintay niya akong lumabas.




"Sige na, gamitin mo na" sambit ko at iginayak ko pa sa kaniya ang mga kamay ko patungok sa loob.




"Hindi ako gagamit.." sambit niya, napatango naman ako. Pwede ba tayong mag usap" dagdag niya, kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya. Nagtama ang aming paningin, parang may kung anong nagpapaiyak sa kin sa ginawa niyang iyon.




"B-bakit?" tanong ko.




"Para makilala ang isa't isa,... May problema ba?" sagot niya. Umiling lang ako sabay tango.




Nagpahinga lang kami saglit at nagsimula na kami ulit maglakad para sa susunod naming pupuntahan. Nasa likod kami ni Timothy at nag uusap, hindi na rin namin pinapakinggan ang tour guide ngayon, para na kaming may sariling mundo na kami lang ang may alam.




"Alam ko masakit sayo, na malaman ang totoo" panimula niya. "Pero nalulungkot ako kapat nakikita kitang nasasaktan" dagdag niya.




Napahinto naman ako sa sinabi niya sa sobrang gulat. Hindi ko akalain na sasabihin nig iyon sa akin.





"H-huh?" utal kong tugon.




"Hindi ko alam" sabi niya at umiling na nakayuko, nakatingin siya ngayon sa lupa. "hahaha" pekeng tawa niya. "Weird right?" tanong niya.




"Oo ang weird nga" tanging sagot ko na ngumiti ng peke sa kaniya.




"Kaya ba malungkot ka? Naiisip mo si tito Marlon?" tanong niya na ikinagulat ko.




"Lapu-Lapu City in Mactan is dubbed as the “Historic Resort City.” And as the name implies, the city got the title for its rich historical background and its impressive array of beach resorts. Lapu-Lapu’s shores are lined with world-class hotels and resorts."




Napatingin na lang ako ulit sa tour guide ngayon na nagsasalita sa harapan. Ni hindi ko kayang lingunin si Timothy, di ko alam kung nahihiya ba ako o natatakot ako sa mga bagay ba tungkol sa ama ko. Gusto ko ng tahimik na buhay, ayoko na guluhin pa si papa, dahil alam kong masaya na ito sa piling ng ibang pamilya.








A/N

Source

https://www.google.com/amp/s/guidetothephilippines.ph/articles/ultimate-guides/cebu-travel-guide/amp

- J a e i n m c l l n s-

May mapapansin ko kayong namali ng typo, dahil po sa ito ay unedited babalikan ko na lang po kung may oras ako.

Kung may mga pagkakamali po ako, wag po kayong mahiyang magcomment para po malaman ko.  Bilang manunulat, may matutunan din po ako mula sa inyo kung mag sa-suggest kayo ng ideya, maraming salamat po.

Follow me on my Social Media Accounts
Facebook: Jane Macellones
Instagram: jaeinmcllns /janemacellones021
Twitter: @jaeinmcllns
Follow me on WP jaeinmcllns

Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon