CHAPTER 26

25 7 1
                                    

Inaamin ko na bumalik ulit ang nakatagong nararamdaman ko. Akala ko kinalimutan ko na siya, hindi pala dahil ngayon na nagkita kami tila gano'n parin ang nararamdaman ko sa kaniya.




"Long time no see" bati nito.




"Oo nga e t-tagal na natin di nagkita" nauutal kong tugon tila umiikli ata ang dila ko.




"Hmm.. Kumain kana?" tanong niya kaya naman napatulala ako. "I mean.. Break niyo naman diba? Lunch time?"




"Ah"




"Busog pa ko"




"Okey see you around" aniya at nagpaalam na.




Napatulala lang ako habang pinagmamasdan siyang lumabas ng opisina, natauhan lang ako nang siniko ako ni Alfred.




"Uy! Busog ka kapa, hindi ka pa naman kumakain ah" sabi niya.




"Magkakilala ba kayo? Ikaw lang ang kinausap niya e" sabat naman ni Paolo. "Ang ganda no?" puri niya pa rito.




"Hm. Highsl School cru— friend" sabi ko. "Tara kain na tayo, gutom na'ko" dagdag niya at nagmadaling iligpit ang mga gamit niya.




"Kala ko ba ay busog ka pa?" iling uling ni Alfred at di naman ako umimik.




Naglakad na kami sa canteen na nasa baba nang building namin. Dating gawi nag order ako ng chopsuey at isang kanin. Nagtitipid din ako dahil bubungangaan na naman ako ni Beatriz kapag unti lang ang nabigay kong sahod.




"Di ka nagsasawa kaka chopsuey mo?" tanong ni Alfred habang kagat kagat ang hita ng manok.




"Kaya ayoko mag asawa e" iling iling ni Paolo.




"Alam mo naman"  sabi ko sabay buntong-hininga.




Nang matapos ay bumalik na kami sa trabaho, nakasalubong ko pa si Lori. Nginititan pa'ko nito kaya ngumiti ako pabalik, agad naman akong siniko ni Paolo at ngingisi ngisi ito ngayon.




"Magkano ito" turo ko sa laruan na manyika.




"Pipti po" sagot ng ale.




Bumili ako ng manyika para kay Hannah at Glyzelle. Labing tatlong gulang na si Hannah at si Glyzelle ay mag iisang taon na kaya naisipan ko bilhan ito ng laruan para may pagkalibangan ang magkapatid.




"Tay ang ganda" sabi ni Hannah habang hawak ang nag iisang manika na binili ko, agad naman niya nilapitan si Glyzelle at nilaro iyon.




Humalik ako sa noo ni Hannah at nilaro saglit ang sanggol bago nagtungo sa kwarto.




"Hannah, nasaan ang mama mo?" tanong ko.




"Umalis po, kaninang tanghali pa iyon"  Sago niya.




"Saan daw nagpunta?"




"Hindi sinabi e"




Kinabukasan maaga akong pumasok, nagkataon din na nakasalubong ko ang sasakyan ni Lori.




"Marlon" tawag nito, na ngayon ay nakalabas na ang ulo sa sasakyan.




"O! Lor— ma'am Lori" sagot ko. Hindi na ako nagulat dahil nakita ko na siya nasa malayo palang.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon