Hannah's POV
Kinabukasan ay naging abala silang lahat para sa dispedida sa aming pag alis pabalik sa Manila. Lumabas ako ng mansion ni lola para mag pahangin, dala ang aking cellphone ay nag tipa ako ng mensahe para kay Timothy.
I missed you
"Hijo, kumain ka na ba?" tanong ni papa, humarap ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
"Wala po akong gana" malamya kong sagot.
"Kumain kana do'n, sayang naman para sayo ang lahat ng iyon" si papa.
Tumango ako at humakbang napapasok kasama niya ng....
"Okey ka lang" nag aalalang tanong ni papa, inalalayan niya pa ako habang ang mata ay nakatingin sa rumagasang kotse.
"Opo, ayos lang" sagot ko. Muntik na'kong masagasaan, nasa gilid naman ako.
Dinampot ni papa ang nahulog na papel mula sa kotse na muntik makasagasa sa'kin.
Papatayin kita
Kinilabutan ako, at nanindig ang balahibo ng mabasa ko ang sulat ng papel na iyon. Wala naman akong ginawang kasalanan at wala naman akong kaaway kaya sino naman ang magbabanta ng ganito sa'king buhay.
"Pumasok na tayo sa loob" sabi ni papa na, inaalalayan akong makapasok sa loob ng mansion.
"Tito" tawag ko.
"Nanakot lang to, wag mo na alalahanin, ako na bahala" sagot niya.
Napanatag ang aking loob dahil sa sinabi niya. Bumabagabag lang sa'kin kung sino ang nag sulat niyon.
"Wala akong makuhang flight pabalik, lahat fully book" sambit ni tita Lori na nasa tagiliran ko.
"Seryoso ba yan?" tanong ni papa.
"Oo" sagot ni tita Lori.
Napabuntong hininga na lang ako, iniisip ko na baka magtagal pa kami dito.
Papatayin kita
Papatayin kita
Papatayin kita
Kinagabihan, matapos ang masayang padespidida ni lola ay nagkulong na ako sa kwarto at di mawaglit sa isip ko ang nakasulat sa papel.
Papatayin kita
Papatayin kita
Papatayin kita.
Nag vibrate ang phone ko at tinignan ko iyon.
From: Timothy
Ingat ka palagi. I love you 😘
Napangiti ako at natakpan no'n ang bumabagabag sa'kin kanina pa. Nagreply naman ako agad.
To: Timothy
Ikaw din, I love you too.
Parang no'ng kailan lang 'e masaya ako na kasama ang pamilya ko at si Timothy tapos ngayon napupuno ng lungkot ang bawat kwarto na ako lang mag isa.
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...