Hannah's POV
"Hala! Nasan ako"
Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto, malaki at amoy lalaki, ang mga design ay panglalaki.
Bumilog ang mga mata ko ng matagpuan ang malaking larawan ng crush ko "oh my Timothy" bulong ko sa painting na hinahaplos haplos pa iyun.
Bakit ako nandito? San ba to? Kanino bang kwarto to?
Pumasok ako sa bathroom at ang laki nun, kasing laki ng bahay namin e teka nasan ba ko? Nanaginip ba ko?'
Pagharap ko sa salamin ay halos kaliwa ang eyeball ko sa gulat "aaaaaaaaahhhhh" sigaw ko kaya naman nag kakalampag ang pinto.
Pumasok ang isang naka suot pangkatulong "sir ano pong nangyari?" sambit niya na mukhang nag aalala sa akin.
"Ate sampalin mo nga ako!" Sabi ko agad baka nananaginip lang ako.
"Po.. Sir bakit ko po kayo sasampalin?" pagtatanong niya.
Kaya ginawa ko ay sinampal ko na lang ang sarili ko baka nananaginip lang ako pero totoo nga dahil sumakit ang pisnge ko sa pagkakalakas ng sampal ko.
"Sir bakit po ninyo sinampal ang mukha ninyo, namula tuloy naku po sir" natatakot na sambit niya.
Lumabas ako ng bathroom at lumapit sa kaniya, agad naman siyang lumayo sa akin.
"Bakit ate natatakot ka ba sakin?" Pagtatanong ko
"Sir ano pong nangyayari sa inyo?" pagtataka niya.
Kumulo ang tiyan ko at tumunog yun kaya agad siyang nagpaalam at sabi ay kukuha daw siya ng pagkain.
Bumalik ako sa bathroom para tignan ang sarili ko, hindi ako makapaniwala na kamukha ko na ngayon si Timothy Hermoso na sa picture ko lang nakikita dati.
Maya-maya ay may pumasok sa loob ng kwarto habang nag iisip ako kung pano ako napunta dito. Inakala ko na ang katulong iyun pero hindi. Isang babaeng matangkad at maganda, may dala siyang mga papel.
"Kumain kana ba? Tinanghali ka na naman ng gising" sambit niya sakin agad.
Tumango na lang ako at di alam ang sasabihin sa kaniya.
"May schedule ka sa pictorial ng 11 kaya bilisan mo ang kilos mo para di naman lagi tayong late" sabi niya na nag tataray.
Di ko naman alam ang gagawin kaya napahawak ako sa dibdib ko at nagtanong sa kaniya " Sino ka?"
"Duh! Ano ba nangyayari sayo, P.A . mo ko" sagot niya. "Okey ka lang ba masama ba pakiramdam mo?" dagdag niya at akmang lalapit sakin.
Pumasok na din ang katulong na may dalang pagkain kaya kumain naman ako agad at di na pinansin ang babaeng narito.
"Sigurado akong di ka kumain kagabi galing sa Bar" sabi niya pa.
Umarko ang kilay ko dahil hindi naman ako galing sa bar kagabi kundi galing ako 'wait natulog lang ako kagabi pag gising ko narito na ako'.
Lumabas na siya ng mapansin na wala akong paki alam sa sinasabi niya ng mag ring ang phone sa may bedside.
'Andrei'
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...