CHAPTER 19

55 29 2
                                    

Hindi ka niya gusto, hindi ka niya gusto Hannah, kaya ilugar mo 'yang sarili mo. Hindi porket pinapakitaan ka niya ng magaganda may gusto na siya sayo. Hindi mo siya lubos na kilala malay mo bang ganoon lang talaga siya.




"Kanina ka pa tahimik?" si Timothy, naglalakad kami ngayon dito sa dalamapasigan. Nasa hulihan kami, naunang naglakad si mama Wiona at Glyzelle.




"Dapat bang maingay ako?" sagot ko.




Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, naiinis ba 'ko dahil sa tingin ko ay di niya masusuklian ang pagtingin ko sa kaniya.




"Mukhang malalim 'yang iniisip mo, baka gusto mo i-share" pagbibiro niya.




"Wala naman akong iniisip" pagsisinungaling ko.




"Wala nga ba?.. Bakit tulala ka?" nakangising sambit niya.




Hindi ko mawari kung nababasa niya ang naiisip ko pero naiinis ako pag ngumingisi siya sa'kin nang ganyan tapos wala naman palang ibig sabihin.




Lumakad na lang ako nang mabilis para maubatan sila mama. Nagulat pa si mama ng makita ako ng hingal na hingal.




"Timothy, ayos ka lang?" tanong ni mama at tumango ako pero habol ko pa rin ang hininga ko. Napalingon ako kay Timothy at ngayon ay tumatawang umiiling na lang na lalong nagpasama sa mukha ko.




Hindi ko pa naman na tapos basahin ang 10 signs kung paano malalaman kung crush ka din ng crush mo, o baka di naman totoo 'yun pero susubukan ko parin.




Nakakita kami ng mga store na bilihan ng mga souvenir, tuwang tuwa naman na namimili si mama, Wiona at Glyzelle.




Napatingin ako sa isang Keychain na star, kulay dilaw na may dots, mukha namang starfish pero magandang tignan, na ku-kyutan ako, gusto ko iyon pero wala naman akong balak na bilhin.




"Maganda ba?" nabaling ang atensyon ko kay mama. Hawak niya ngayon ang isang bracelet, silver at maganda iyon kumikinang pa, hindi ako nagsalita pero tumango ako.




Nakapamili na sila ng mga souvenir na bibilhin si Timothy naman ang gagastos no'n at magbabayad.




Napili ni Wiona ang earings na may starfish, pareho sila para matchy matchy daw sila na parang kambal. Si mama naman napili niya ang kaninang bracelet na silver at ako wala akong binili dahil hindi ako mahilig gumastos at bumili ng bumili kung hindi naman kailangan.




"Balita ko may mabatong lugar dito!" suhestiyon ni Timothy. Naglalakad na kami ngayon papunta sa hotel dahil doon na rin kami kakain ng lunch.




"Ano naman?" pagtataray ko.




"Gusto ko pumunta doon" sagot niya.




"Edi pumunta ka! Bakit kailangan mo pang sabihin?" pag tataray ko parin.




"Gusto kong kasama ka!" sambit niya sabay yuko.




"Bakit di ka ba makakapunta doon ng wala ako?" takang tanong ko.




Bakit ba siya ganito? Bakit niya ako nililito? May gusto ba siya sa'kin o pinaglalaruan niya lang ako. Kung lagi ko siya makakasama, e di lalo akong mahuhulog sa kaniya.




"Ang pangit naman kung ako lang mag isa diba?" si Timothy, na ngayon ay nakatingin na sakin.




Pagdating namin sa hotel ay handa na ang table at ang mga pagkain, ang iba ay patuloy na sinserve palang. Excited naman si Wiona na kumain, pinapalo naman ang kamay niya ni mama dahil bastos daw iyon.




"Aray!" Sigaw ni Wiona.




"Ano? Hindi ka makapag antay?" pagsusungit ni mama.




Napayuko na lang si Wiona, bumalik lang ang saya nito na mag hudyat na si mama na nangunguna sa pagdarasal bago kumain.




Nang matapos kumain, ay balak na magpahinga ang lahat. Inaantok din si Wiona at Glyzelle kaya pinatulog ito ni mama, pero nakatulog din si mama.




"Ano?" takang tanong ko. Kanina pa siya nakatingin sa'kin at naiilang ako sa titig niya.




"Sasamahan mo ba ako?" tanong niya.




"Saan?" balik na tanong ko sa kaniya.



"Gusto ko pumunta sa may batuhan sa bandang dulo dito" sagot niya.




"Bakit ako lang niyaya mo?" tanong ko. Hindi ko siya maintindahan, kikiligin na ba ako dapat dahil sa ginagawa niya o hahayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya dahil masaya naman ako do'n.




"Kasi gusto kita makasama" sagot niya na nakayuko.





"Ayaw mo makasama sila mama?" tanong ko, isa na lang Hannah, kapag pinagpilitan pa niya na kayo lang pumayag ka na.




"Lagi ko naman silang nakakasama, kaya ikaw na lang dahil hindi naman tayo lagi magkasama" sagot niya.




Napabuntong hininga na lang ako at tumango "sige".




"Talaga?"




"Oo nga" iritado ko kunwaring sagot sabay pasok sa banyo.




Nang makapasok sa banyo ay halos maihi ako sa kilig. Hindi ko alam napapanganga ako na gusto kong tumili pero hindi ko maisatinig. Hindi maalis ang ngiti ko salamin. Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, namumula ako sa sobrang kilig.




5. Call or text---- Malalaman mo kung type ka ng lalake/babae kung nag rereply agad at gumagawa ng paraan para makapag reply ka sa kaniya. Laging tandaan kapag gusto ka niya, laging may oras sa'yo para mag text or mag reply sa message mo. Kapag ang isang tao ay tumatawag sa iyo ng gabi na magandang senyales iyan na nahuhulog na siya sayo.




Napaisip naman ako, no'ng magkahiwalay kami, lagi kami nag uusap sa cellphone. Nagtatawagan din kami at nag tetext araw araw. Napanganga na naman ako sa kilig. Ilang beses pa akong tumalon at napapa 'yes yes' dahil sumasang-ayon nga ang mga signs.




6.  Pag-imibita lumabas--- para sa mga babae, mayroong mga lalake na likas na torpe kaya't magandang senyales kapag niyaya lang lumabas.




Napaawang na naman ang bibig ko at hindi maisitinig ang tili ko. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ang saya saya, naghilamos muna ako bago lumabas ng banyo, hindi ko parin mapigilan ang ngumiti.




"Anong ginawa mo?" takang tanong niya. Nasa harap ko na siya ngayon, nakatingin siya sa loob ng banyo.




"Naghilamos" sagot ko.




"Umabot ka ata ng sampung taon sa banyo tapos naghilamos ka lang" napapailing niyang tugon at umalis.




Anong ginagwa niya sa tapat ng banyo, kung gagamitin niya bakit di siya pumasok ng nakalabas na ko?




Alas kwatro na ng hapon ay nagpulbo ako at niligo ang pabango. Nakangiti pa akong ginagawa iyon ng may kumatok sa kwarto. Dali dali ko namang kinuha ang cellphone at wallet ko. Sa pang labas na anyo ako si Timothy kaya kailangan kong maging presentable.




Pagbukas ko ng pinto naroon na si Hannah na nag aantay "tara na" nakangiting sambit ko.




"Nice. Ang ganda ata ng mood mo, hindi ka nagsusungit" pag aasar niya.




Hindi naman iyon natakpan ng galit kundi ay natuwa pa ako ng biruin niya ako. "Saan ba tayo?"




"Sa batuhan nga" sagot niya. Napansin ko na may dala siyang bag.




"Tulungan na kita" suhestiyon ko.




"Wag na kaya ko na" sagot niya kaya napatikhim na lang ako.




Ano kaya gagawin namin doon, sana maging masayang 'tong gabing 'to. Halos mapunit naman ang pisnge ko nakangiti na nakasunod sa kaniya.

Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon