CHAPTER 21

40 16 0
                                    

Mahalia's POV


Nakatanaw ako ngayon sa dalawang taong nagkakasiyahan na kumakain at nagkukwentuhan sa dulo ng mababatong bahagi ng dagat.




Sabay nilang pinapanood ang pag lubog ng araw, samantala ako ay nakangiting pinapanood silang dalawa.




Ilang buwan ko na din silang hindi binibisita. Hinahayaan ko sila sa mga ginagawa nila dahil nakikita ko naman na may improvement ang kanilang pagpapalit ng katawan.




Nang lumubog na ang araw ay nagsimula na silang maglakad pabalik sa mabuhangin na bahagi. Nagtatago ako ngayon sa likod ng puno habang pinagmamasdan silang nagkakasayahan at naghahabulan sa mabuhangin na bahagi.




"Mukhang nagsasaya ang mga alaga mo Mahalia"




Napalingon ako ngayon sa likod ko, nanlaki ang aking mga mata na...




"Mahal na prinsesa kayo po pala?"




"Nasasayahan ka ba sa mga nangyayari?" tanong niya.




"Opo ,mahal na prinsesa" magalang na sagot ko.




"Natutuwa din ako para sa'yo, sana ay magtagumpay ka" tugon niya.




Tunay ngang napakaganda ng aming prinsesa, sa gabi ay nagliliwanag. Hindi ko man mapigilang mainggit, pero wala namang saysay iyon.




"Muli ka na bang nagpakita sa kanila?" tanong niya.




"Hindi  na po" sagot ko




"Bakit? Ayaw mo ba silang kamustahin?" pag aalalang tanong niya




"Hindi na, nakikita ko naman po na may pagbabago na sa kanila" bumuntong hininga ako. "Lagi po silang binabantayan kung nasaan sila, nakikita ko naman na may pagbabago na lalo na kay Timothy"




Tumango siya "kung gano'n ay mabuti"




Napatango at napangiti naman ako.




"Dito ba sila nakatingin?..." Tanong niya.




"Po?"




Lumingon ako sa tinitignan niya, nanlaki naman ang mga mata ko ng makita na dito sila nakatingin sa'min. Maaaring nakita nila kami, "Mahal na prin——"




Napahinga ako ng malalim ng biglang mawala ang aming mahal na prinsesa, napatingin ako ngayon sa kinatatayuan nila Hannah at Timothy, ngunit wala na din sila.




Agad naman akong nag anyong paru-paro at lumipad na. Sinabayan ko pa ang kanilang pagtakbo. Tila siguro ay natakot sila. Ramdam ko ang kanilang mga puso, mabibilis ang pagtibok nito.




Nakita ko pang pumasok si Timothy sa kwarto ni Hannah, natutuwa akong pagmasdan sila, nilalanggam na nga ata ako dito sa sobrang tamis ng pagmamahalan nilang dalawa. Alam kong hindi pa sila nagkaka aminan..




"Mahal kita" wika ni Timothy.




Kinikilig naman ako,




"Paru-paro ba yan?" tanong ni Hannah, tinuro pa'ko.




"Oo nga, Paano nakapasok yan dito?" tanong ni Timothy na tumayo pa.




Nag anyong dalaga naman ako ngayon. bakas sa mukha nila ang gulat at pagtataka.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon