---SPG--
Hannah's POV
Nagising akong masakit ang ulo dahil sa pag kakainom ko kagabi na nakakalasing kasama si Yna sa Birthday ni tita Lori. Bukod doon ay mugto din ang aking mga mata dahil sa nalaman ko kagabi.
Masakit pa din sakin, sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi, bumibigat ang pakiramdam ko. Dinudurog ako ng halu-halong emosyon na sumasagi sa isip ko.
Nandito pa rin ako sa kwarto, nakahiga at walang humpay na pagbagsak ng aking mga luha. Hindi pa ako bumabangon, wala akong ganang gumalaw dahil sa nangyari kagabi.
Hindi ko inaasahan na makita ang pinakamamahal kong papa na may iba ng pamilya ngayon at mukhang masaya sila. Hindi ko siya magawang kausapin dahil nasasaktan ako baka sumbat ang masabi ko.
Naalala ko naman na nabanggit ko na ito kay Timothy kagabi. Alam ko naguguluhan din siya sa mga nangyayari. Wala akong magawa kundi ang magmukmok dito sa kwarto.
"Sir" sambit ni manang sa labas ng kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto para walang makapasok dahil gusto kong mapag-isa at makapag isip-isip. "Sir.... May dala po akong pagkain sir... Kumain na po kayo tanghali na po" dagdag pa niya.
Bumangon ako at pinunasan ang mga luha. Sumulyap pa ako sa salamin para tignan ang sarili. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang tray na hawak ni manang "Thank you" sambit ko na nakangiti at sinarado na ulit ang pinto. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit ganito ang itsura ko.
Pinilit kong kumain para may lakas ako at hindi manghina at lalo ng hindi magkasakit. Kumain ako habang ang mga luha ko ay patuloy na bumabagsak.
Naalala ko kasi ang masasaya namin pagsasama ng aking papa na ngayon ay wala na. Naalala ko ang kaniyang mga ngiti na samin dati niya iyon binibigay. Marami na ang nagbago sa buhay namin noong nawala siya samin, pero yung ala-ala nandito parin kasama ang sakit na iniwan niya kami. Ang mga bakas ay di pa rin naghihilom.
Naninikip na naman ang dibdib ko, hindi ko talaga kayang pigilan ang mga luha ko nagpapaunahan sa pagbagsak. Gustong kong pigilan pero hindi naman ako makahinga kaya hinahayaan ko na lang silang magbagsakan.
Nang matapos akong kumain ay nag ayos muna ako ng sarili para maging presentable bago bumaba papunta sa kusina. Dinala ko ang tray na pinagkainan ko, balak ko din na aliwin ang sarili ko sa gawaing bahay para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
"Di ko alam kung may girlfriend na si sir"
"Hindi ba sila ni Ms. Yna?"
"Hindi ko alam"
"Namumugto ang mga mata niya kanina e"
"Baka nag away sila ni Ms. Yna"
"Pero mag ka--- "
Natigil ang pag uusap ng mga katulong, nagulat pa ng makita nila ako. Nagmamadali din sila na gawin ang kaniya-kaniyang mga ginagawa.
Binigyan ko na lang sila ng ngiti, at nilagay na sa lababo ang tray para hugasan iyon.
"Sir ako na po----"
"Ako na" agap ko.
"Trabaho ko po---- "
"Okey lang"
"Sir---- "
"Magpahinga ka nalang muna"
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...