"Kailan ka pa pumunta dito?" tanong ni tita Lori sakin. Narito kami ngayon nakaupo sa lilim ng malaking payong at nakaharap sa mesa habang umiinom ng mango shake.
"Noong nakaraang araw t-tita" sagot ko at tumango lang siya.
Hinawakan naman ni Timothy ang kamay ko na nanginginig na ngayon. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit? Pero sigur dahil ng malaman kong nandito siya ay baka nandito rin si papa. Hindi pa ako handa na makita ni mama si papa sa kalagayan na ito.
"Ah t-tita" tawag pansin ko sa kaniya.
"Oh bakit hijo" takang tugon niya.
"Ah si t-tito Marlon po ba kasama niyo?" tanong ko. Hindi naman sa disperada akong malaman pero natatakot lang ako na baka mgkagulo dito dahil nandito si papa.
"Ah wala siya, pero habahol naman daw siya busy lang sa trabaho" sagot niya kaya tumango lang ako.
Hindi pwedeng dumating si papa sa araw na nandito pa kami baka magkita sila ni mama at masasaktan lang si mama kung makikita niya si papa na may iba ng pamilya.
"Nasan pala ang pamilya mo?" tanong ng kapatid ni tita Lori kay Timothy.
"Ah nandoon, nag suswimming" ngiting sagot niya sabay higop ng mango shane.
"Gusto namin makilala sana, pwede ba?"
"H-hindi pwede" agap ko.
"Bakit?" takang tanong ng kapatid ni tita Lori. "Girlfriend mo siya, dapat lang na makilala namin ang pamilya niya diba?" magiliw na sambit nito sabay tingin kay Timothy " Hija"
Malaking problema ito kung nagkataon kaya hindi sila pwede magkakilala, ayoko masaktan si mama.
"Mauuna na po kami mga tita" nagmamadali kong sambit sabay tayo "kita na lang tayo mamaya baby Tonton" magiliw na sabi ko sabay halik sa noo ng bata. Hinila ko na din si Timothy agad at umalis na kami doon. Hindi ako mapalagay ang dami nilang gustong malaman at gawin baka kung saan pa umabot iyon.
"Okey ka lang?" tanong ni Timothy, tumango naman ako bilang tugon.
Akala ko pa naman makakalimutan ko ang problema kung mamasyal kami, pero sadyang mapaglaro ang tadhana at pinagtatagpo pa rin kami. Naging masaya lang ako unti, napakalaking lungkot naman agad ang kapalit nun.
Naabutan namin sa gilid si mama, Wiona at Glyzelle sa gilid ng dagat at nagtatayo sila ng mga kastilyo sa mga buhangin. Hindi nga lang sila mukhang kastilyo dahil patayo lang ito na oblong.
"Di ba kayo maliligo?" tanong ni mama.
"Ay hindi po mama" sagot ni Timothy.
Sinamahan ako pabalik ni Timothy sa Hotel and tinutuluyan namin. Napagod siguro ako kakalangoy kanina at kakalakad kaya gusto ko na magpahinga. Natulog lang ako saglit ganun din si Timothy.
Kinahapunan masaya kaming kumakain. Lagi sinasaway ni mama si Wiona at Glyzelle dahil lagi ito may komento sa kinakain. Masama naman daw ang magsalita habang may laman ang bibig.
"Arat sa Bar, game ka?"
"Ha?"
"Miss ko na mag bar, masaya dun" magiliw na sambit ni Timothy.
"A-ayoko" sagot ko.
"Makakalimutan mo ang problema kahit sandali"
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...