CHAPTER 27

21 4 0
                                    

Hannah's POV


Tatlong araw nang nakakalipas mula nang mabaril si papa at si Timothy. Hindi pa nagigising si Timothy at ganon din si papa. Nangangamba ako ng sobra lalo na kay papa. Dalawang taong mahal ko ang nag aagaw buhay ngayon.




Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga bumaril sa kanila. Hindi naman tumitigil si mommy Divine at tito Howard, tulad ko gusto din nila pagbayarin ang nga gumawa nito.




Walang humpay ang aking mga luba sa pagbagsak. Hindi narin ako nakakain, dahil wala akong gana at hindi na ako makapag isip ng tama.




"Ano nang balita?" tanong ni mommy Divine, kararating lang ng mga pulis dito sa Hospital.




Napatingin ako sa kanila at nariyan na naman ang nagbabadyang tumulong mga luha. Napaiyak at pilit na umiling nang marinig ko ang kanilang usapan.




Kio




"Maraming salamat" paalam ni tito Howard sa mga pulis.




Sino ba ang Kio na iyon? at bakit niya iyon nagawa sa'min kay papa at kay Timothy.




"Anong ginagawa mo rito?" asik ko. "Bakit ka narito? Nakabalik na ko sa katawan ko" sigaw ko. "Umalis ka, ayokong makita kaaaa"




"Patawarin mo ako" tugon niya. "Nakatakda na itong mangyari"




"Anong pinagsasabi mo? Kung nakatakda ito, Ano ang mangyayari sa kanila, sa papa ko, kay Timothy"




"Isa sa kanila ang mawawala" Sabi niya sabay yuko. "Patawarin mo ako"




Napailing na lang ako, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Wala akong maintindihan. Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Gulong gulo na ang aking utak.




"Wag mong sabihin yan, hindi yan totoo, walang mamatay, malakas sila, lumalaban sila" umiiyak kong sambit.




"Patawarin mo ako" huling sambit bago siya lumisan.




Napaupo na lang ako sa sahig, dito kami ngayon tumutuloy sa mansion ni lola. Wala si mama dahil kailangan niyang bantayan si Glyzelle at Wiona.




"Hija, sino ang kausap mo kanina?"




Napalingon ako sa pinto at nakita ko si lola. "Wala po" Sagot ko.




"May narinig ako" takang sambit niya. Napapalingon-lingon pa siya sa sulok ng kwarto, nagbabakasakaling may makita roon. Napaupo, ako sa kama. Tumabi sa'kin si lola. Hinihimas niya ang aking likod na parang pinapakalma ako nito. "Matulog kana Hija"




Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa ingay sa ibaba. Napabangon ako sa pagkakahiga at tumakbo agad sa sala kung saan naroon ang ingay.




May mga pulis at kausap si mommy Divine. Nakabihis din siya ngayon at aalis na pero napatigil sila nang magsalita ako.




"Saan po kayo pupunta? Sasama ako" sabi ko.




"Sumunod ka na lang" sabi ni mommy Divine at umalis na sila kasama ang mga pulis.




Hindi na ako naligo, nagpalit lang ako ng damit sa pagmamadali. Pumunta ako ng presento, hinanap ng mga mata ko si mommy Divine.




Nakita ko siyang nagsisigaw at pinagsasampal ang isang lalake. Napatakbo ako at nanlaki ang mata ng lalakeng iyon ng makita ako.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon