CHAPTER 13

75 45 4
                                    

Hannah's POV




Hindi maalis sa isipan ko ang paghikbi ni Timothy at ng mga kapatid ko sa kabilang linya ng tinawagan ko siya kahapon.




Nasisigurado ko na may masamang nangyari sa kanila. Hindi sila iiyak ng ganun kung walang nangyari.




Gumugulo ito sa isipan ko mula kagabi at hanggang ngayon ay dala ko pa din ito sa hapagkainan.




"Can I visit lola in Cebu?" marahang tanong ko na nagpatigil ng pagkain ni Daddy.




"How's your school?" tanong niya.




"Okey naman dad" sagot ko.




Thrice a week lang ang pasok ko sa school, marami akong oras para gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Pag walang event, mahaba ang pahinga ko mali ba twing Saturday dahil may mga workshop akong pinupuntahan kasama si Yna.




Pagdating sa pag-aaral hindi naman ako nabibitin dahil nag aaral naman ako atsaka, nagtutulungan naman kami ni Troy.




"Bakit gusto mo pumunta sa lola mo?" tanong ni daddy.




"Namimiss mo ba si lola Baby?" mom asked.




Tumango ako "may gusto po akong puntahan sa Cebu" sagot ko.




"Who?" agad na tanong ni daddy. "Hindi pa tapos ang school mo, hindi ba? Di bat sinabi kong yan ang unahin mo, hinayaan na nga kita dyan sa gusto mong pagsasayaw----- "




"Howard!" may pagsaway sa boses ni mom.




"Gusto ko lang naman unahin niya ang mas mahalaga at importante kaysa nasusunod ang mga luho at kagustuhan niyang bata na yan" pambabara ni Daddy.




Wala ng nagsalita ni isa samin hanggang matapos na kami kumain. Sunday ngayon pero may work parin si daddy. Si mommy ay nag stay lang dito sa bahay at ako ay nagmukmok lang sa kwarto.




"Baby?" sambit ni mommy ng pumasok siya sa kwarto ko.




"Yes?"




"May problema ba?" tanong ni mommy.




Umiling ako pero may kung anong nagpapatak sa mga luha ko. "Anong problema anak?" nag aalalang sambit niya.




Hinawakan niyang baba ko para makaharap at makatingin ako ng diritso sa kaniya. "Tell me, baby!" nahihimigang sambit niya.




"What's bothering you?...So you want to go to Cebu?" mom asked. "Is there a problem?" she added.




"Papayagan niyo po ba akong pumunta ng Cebu kung sasabihin ko?" tanong ko, tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Pinunasan niya ang mga luhang nagbabagsakan at tumango.




"Yes"




Napa angat ang tingin ko sa kaniya. Naghalo ang pakiramdam ko "mom"




"Kung yun ang ikasasaya mo anak" dagdag niya. "Nakakalimutan mo bang simula ng sembreak?" tanong niya.




Lumaki ang mata ko ng maalala na One week nga pala ang sem break namin at hanggang sa matapos ang undas. "Mom" na eexcite kong tugon.




"Tingin ko ay papayagan ka naman dahil wala ka namang pasok nun" dagdag niya. "Baby, pwede mokong sabihan ng problema mo! Alam ko andami kong pagkukulang sayo, pero mommy mo ako. Ayoko lumulubo ang mga mata mo tulad ng ganiyan" turo niya sa mata kong mugto na ngayon dahil kakaiyak mula pa kahapon "Hindi ka magaling maglihim, kung girlfriend mo ang problema mo, abay ayusin mo yan, be a good man" dagdag niya.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon