CHAPTER 25

22 7 0
                                    

Marlon's POV


"Uy sama ka birthday ni Paolo" anyaya ni Alfred sa'kin.



"May inuman ba?" pilyong tanong ko.



"Ay basta sa inuman, mabilis ka" sagot niya.



Nagtungo kami sa bahay ni Paolo. Kaarawan niya ngayon kaya narito kaming magbabarkada. Masaya kaming nag iinuman, puro kami lalake ngunit....



Saan ka, samahan mo'ko uminom, sawi ako ngayon



Inanyayahan ko na lang si Beatriz dito kila Paolo uminom, dahil makakalibre pa siya dahil sagot naman nito ang pang iinom. Naging matalik ko siyang kaibigan dahil lagi siyang nariyan, minsan pa ay siya na ang gumagawa ng mga assignments ko, kaya naman sa unting pagdamay ay sinasamahan ko talaga siya. Lagi kasi siyang nabibigo sa pag-ibig.



Umabot na nang alas tres nang umaga ay pakiramdam ko ay tinatamaan na ako ng alak kaya naman tumayo na ako, ngunit para na akong matutumba. Napagdesisyunan na sa guest room nila Paolo nalang ako matutulog. Pumasok na ako sa looba t humiga na, bigat na bigat na ang aking mga mata. Gustong gusto nang pumikit, pagkabagsak ko sa kama ay nakatulog na agad ako.



Nagising akong nagtataka dahil katabi ko si Beatriz ngayon. Dumagundong ang aking dibdib dahil nakayakap siya sa'kin at mahimbing na natutulog. Wala na din ang aking suot na damit maging siya ay ganun nadin. Tila kumot lang ang nakataklob sa'ming katawan.



Napabalikwas ako ng upo kaya naman ay nagising ko siya. Wala akong maalala sa mga nangyari, o may nangyari man sa'min o wala.



"Sor——" aniya na hindi na natuloy dahil dali-dali akong tumakbo patungo sa banyo habang tapis ang unan at binitbit ko ang aking damit na nasa sahig.



Lumabas ako na nakabihis na rin siya. Hindi siya makatingin sa'kin maging ako rin.



"Sorry lasing lang ako" ayon lang ang sabi niya sabay takbo palabas ng kwarto.



Simula nang araw na iyon ay iniwasan ko siya. Hindi ko alam kung may nangyari ba sa'min nang gabi na iyon pero hindi ko siya kayang makita dahil sa sitwasyon na iyon.



Nabalitaan ko na nagdadalantao siya at galit na galit ang tatay niya, hindi siya nagsasalita kung sino ang ama. Kinabahan naman ako dahil tatlong linggo na ang nakalipas nang makita ko ang sitwasyon naming ganoon.



Nakipagkita siya sa'kin at sinabi na ako raw ang ama noon, No'ng una ay nabigla talaga ako dahil hindi ko alam ang gagawin at di ko kaya ng responsibilidad na gagawin. Sinabi niyang ipapalaglag niya ang bata pero pinigilan ko siya.



Hinirap ko nag tatay niya at sinabing pananagutan ko ang dinadala niya dahil ako ang ama, pero di ko sigurado kung ako nga ang ama.



"Papa" magiliw na sambit ni Hannah habang tumatakbo patungo sa'kin.



"Kumusta ang araw ng prinsesa ko?" magiliw kong tanong.



Pitong taon pa lamang siya at magiliw na masiyahin ang kaniyang katangian. Siya ang nagbibigay ng saya at ngiti sa'kin. Nawawala ang pagod ko sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti.



"Masarap?" tanong ko.



"Opo ang sarap po ng spaghetti" sagot niya.



Kumakain siya ngayon. Nag iisa siyang anak ko kaya naman ay mahal na mahal ko siya. Lahat ng gusto niya ay binibigay ko pero wala naman siyang nais ipabili sa'kin. Natutuwa ako na hindi siya ang batang maluho.



Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon