CHAPTER 11

67 44 0
                                    

Hannah's POV




"Bye" sabi ko sabay end ng call galing kay Yna.




Napagdesisyunan namin na magkita na lang sa party ni tita Lori dahil kahit anong mangyari kami ang magpareha sa gabi ito.




Hindi ko din siya pwedeng sunduin dahil hindi naman ako marunong mag maneho ng kotse at tanging motor lang ang alam ko, ayoko na din mangyari ang nakaraang inangkas ko siya.




Sasabay na lang ako kanila mommy at daddy. Siguradong maraming bisita ang dadalo ngayon sa birthday party ni tita Lori. Bukod sa business man ay mga politikong kaibigan ni nila mommy.




Nang makarating kami sa venue ay agad na bumungad sa gate palang ay ang mga ilaw na iba't iba. Sa garden ng likod bahay lang naman nila ito ginawa pero ginawa nilang kakaiba. Bawat madadaanan mo ay may mga ilaw sa gilid na nagsisilbing liwanag. Pag pasok namin agad naman kami sinalubong ni tita Lori.




Nag usap pa sila ni mommy pero ako nagpaalam na hahanapin si Yna. Ang mesa at upuan ay terno na kulay pula at sa ibabaw ay may bulaklak.




Nakita ko naman si Yna na nakaupo at nakasimangot pero nababatid ko na ang ganda niya ngayon. Minsan naiinggit ako, dahil hindi ko naman naranasan ang mga bagay na maisusuot ni Yna.




"Kanina ka pa?" tanong ko ng makalapit na ako sa kaniya. Binigyan niya naman ako ng malungkot na mukha. Halos mahulog na ang nguso niya sa sahig "Ang ganda mo ngayon" dagdag ko.




"Ngayon lang?" pagsusungit niya.




"Syempre lagi" pambobola ko. "Hi manager" bati ko sa daddy niya.




"Oh hijo kumusta ang mga dance practice niyo?" bungad ng manager at napatingin naman sakin si Yna.




"Mas maayos na kesa nung nakaraan dad" si Yna na ang sumagot. Tumango naman ang daddy niya.




Umalis muna si Yna at ng makabalik ay may dala na siyang pagkain, dalawang plato yun kaya nag expect akong akin yung isa.




"Thank you" ngingiti ngiting sabi ko.




"Sino sabing sayo yan" pagtataray niya.




Napanguso naman ako at binalik sa kaniya. Ang takaw talaga.




Tumayo ako at kumuha na din ng pagkain. Habang inaabutan ako ng mga babaeing crew dito na nakatoka sa pagbibigay ng pagkain ay may napansin akong likod na kay tagal ko ng hindi nakita.




"Sir dagdagan ko pa ho ba?" tanong ng babae. Natuon ang atensyon ko sa kaniya, binigyan ko siya ng ngiti at lumipat na sa iba pang pagkain na gusto ko.




Habang naglalakad ako pabalik sa kinauupuan ko kanina katabi ni Yna. Napalingon lingon pa ko na baka sakali ay makita ko ulit ang lalaking iyun.




Ang likod na iyun ay ang matagal ko ng gustong makita ulit. Ang nag mamay-ari nun ay sobra kong minahal at sobrang nagpawasak sa aking puso.




Kumain naman kami ng taimtim, tahimik si Yna halatang wala sa wisyo kaya di ko na lang siya pinapansin samantalang si manager nag secellphone lang.




Lumapit na din sa amin si mommy at daddy. Mukha naman na walang hilig si daddy sa mga ganitong party, nakikisang ayon lang siya sa mga nag sasalita.




Kinuhanan ko na din sila ng pag kain. Medyo nagulat pa nga sila sa ginawa ko, pero hinayaan ko na lang yun.




Habang magiliw na nagkukwentuhan at kumakain ang pamilya ko at ang manager namin ay dumating si tita Lori kasama ang kaniyang asawa.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon