CHAPTER 10

72 46 5
                                    

Hannah's POV


Nasa isang mamahaling restaurant kami kumakain kasama si Yna at ang Daddy niya kasama ang family ko sina mommy at daddy.


"Invited ba kayo sa birthday ng aking amiga?" tanong ni mommy.


"Yes, of course" sagot ng daddy ni Yna.


"Ow you too... " baling ni mommy sa aming dalawa ni Yna. "Napag usapan niyo na ba na kayo ang magkapareha sa partner?"


"Date?" sambit ni Yna na nabigla pa. "I'm not aware about that birthday party" dagdag niya.


"Oh I'm sorry hindi ko nabanggit" natatawa at naiiling na tugon ng daddy ni Yna "matanda na ata ako at nakalimutan ko" dagdag niya.


Natawa na lang si mommy at kumakain ng tahimik si Daddy na para bang walang paki alam sa pinag uusapan. Alam ko ang tungkol sa birthday party na yun dahil nasabi na ni mommy sakin pero hindi ko naman sinabi kay Yna dahil hindi ko naman alam na kailangan niya pala malaman yun.


Habang kumakain napapansin ko na may ibang kilos ang daddy ni Yna. Panay ang titig niya kay daddy na parang kinikilig dahil napapangiti ito sa tuwing titingin kay daddy at mahuhuli ni daddy na tumitingin ito sa kaniya. Hindi ko na lang din yun pinansin dahil masyadong na aaliw si mommy sa pinag uusapan nila samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig at kumakain.


Ganun din si Yna, hindi rin siya nag sasalita. Alam kong may feelings siya para kay Timothy. Hindi ko alam kung ano ba talaga sila ni Timothy. Yeah P.A. na friends then ito pa, close pala sila sa family ni Timothy. Pano naman ako? Isang taga hanga na napadpad sa katauhan ni Timothy, na sobrang idol si Timothy at nababaliw sa kaniya. Nanliit naman ako ng isipin ko yun.


Nang matapos kumain ay binayaran ni daddy lahat ng bill. Nagpapaalamanan na, nakipag shake hands pa si daddy sa daddy ni Yna at nag beso naman si Yna sa mommy at daddy ko ganun din sa akin.


Hindi ko alam kung bakit bigla nagbago ang aura niya at nagammaktol siya ngayon. Ubod naman ng sungit at tinotopak na siya. Gustong gusto na niya umuwi at nag iinarte siya.


Hinayaan ko na lang at umiling sa ginagawa niya. Hindi ko alam ang problema niya. Todo naman pasensya ang daddy niya sa inaasal niya na di kaaya aya.


Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ginising ako ni mommy. Nag jogging kami sa malapit na park dito sa village. Andaming tumitingin sa akin at nag papapicture, kaya naman pahinto hinto ako at natatawa naman si mommy. Minsan siya pa ang photographer.


"Gwapo talaga ng anak ko" ginulo niya ang buhok ko.


"My ako lang to" proud pang sabi ko.


"Ano tawag mo sakin?" gulat na tanong ni mommy.


"My mommy" sagot ko. "Aw my as in short for mommy" dagdag ko ng makita sa mukha niya na di niya gets.


"Ahh" napatango siya at ngumisi "kailan ka pa natuto niyan ha" panghihirit ni mommy.


Kinikiliti niya ako ngayon. "My stop" sabi ko. Hindi niya pa din ako tinitigilan sa pagkikiliti. "Mom" natatawa kong sabi at tumigil na siya ng marealize na nakakahiya ang ginagawa niya.


Bumili kami ng mineral water dito sa maliit na tindahan sa park. Umupo muna kami saglit sa upuan at nagpahinga. Pagod na din ako kakatakbo at kakapicture ng mga tao.


Nang matapos ay nag jogging kami ulit pauwi nasa mala-mansion na bahay nila Timothy.


Naligo muna ako dahil sa sobrang pawis at nanlalagkit ako. Bumaba na ako pagtapos kong magbihis. Nadatnan ko naman si mommy na kumakain na ngayon ng bread.


Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon