CHAPTER 06

78 53 3
                                    

Hannah's POV

["Susunduin kita, o pupunta ka na lang"] tanong ni Andrei na nasa kabilang linya.



"Ah pupunta na lang ako, kasama ko si Yna" sagot ko.



["Sige sige see you"] sabi niya sabay end ng line.



Friday naman ngayon, at mamayang gabi pa namang 10PM ang inuman. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako, never pa'kong nakatikim ng alak, hi-hindi sana ako kaso birthday naman niya.



Kasama ko naman si Yna papunta dun kaya medyo ayos lang pero, hindi ko maiwasan na mapaisip dahil ito ang una kong punta sa mga ganun na lugar.



1PM palang ngayon, nag papractice ako kung pano ko sila kakausapin, dahil baka magduda sila na iba ang galaw ko.



Usap usapan kasi na bading daw ako dahil sa kilos ko kaya nanood pa'ko sa Youtube para alamin kung pano ba gumalaw ang isang Timothy Hermoso. Ayoko naman siyang ipahiya noh.



Maaga palang ay nandito na si Yna. Siya na din ang pumili sa damit na susuotin ko, at sa itsura niya ay lavarn na lavarn ang lola niyo.



"Hey! Hindi kasali sa trabaho ko to ah" sambit niya. Papunta na kami ngayon sa kotse.



"Ah oo naman" sagot ko.



"Good! Wala yung driver niyo nag day off kaya ikaw mag drive" sambit niya sabay hagis ng susi sakin, agad ko naman yun nasalo.



Whaaaaat? Magda drive ako, hindi ako marunong



"Oy anu na? Tutunganga ka talaga dyan, makakaalis talaga tayo" reklamo ni Yna na nasa passenger seat na ngayon.



"Bakit ako?" tanong ko.



"Alangan naman ako" pagsusungit niya.



"Hindi ako marunong"sagot ko



"What? Nakikipag race ka ng kotse tapos di ka marunong huh!" pagtataray niya pa.



Ano meron at bakit masungit to?



"Anuna dali na, antagal naman" pagdadabog niya. Lumabas na siya ng kotse sa sobrang inis niya.



E hindi nga ako marunong e



Malay ko ba na nakikipag race ng kotse si Timothy



Motor lang kaya kong i drive hayss



Napalingon lingon naman ako sa paligid na umaasa na may motor doon, pero wala akong nakita.



"Mag grab na lang tayo" sambit ko



"What?" takang tanong niya. Sumama nanan ang tingin niya sakin na parang kakainin na ako ng buo.



Umirap na lang siya at napabuntong hininga. Maya maya dumating si Oscar na anak ni manang Belinda, may dala siyang motor at napaisip naman ako nahiramin yun.



Pumayag naman siya na hiramin ko dahil anak ako ng amo niya. Hinayaan ko naman siya tulungan si manang Belinda na maglaba.



"O ano gagawin mo dyan?" pagtataray ni Yna.



"Eto ang sasakyan natin" ngingisi ngising sagot ko.



Lumaki naman ang mata niya sa gulat . "ANOOOO AYOS KA LANG" sigaw nito.



Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon