Hannah's POV
Patungo ako ngayon sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom dahil hindi ako makatulog sa dami ng iniisip. Binuksan ko na ang ref at kumuha na ng tubig at saktong paglingon ko ay nagulat ako na may halong pag tataka sa nakita ko. Halos maalis ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang gulat. Tumambad sa akin ang batang babae na nakangiti sakin ngayon.
Paano siya nakapasok dito?
Napahawak ako sa dibdib ko."Anong ginagawa mo rito? Pano ka napunta dito?"sunod sunod na tanong ko.
Ngumiti naman siya "Gusto lang kitang makita Hannah, gusto kitang kamustahin at masaya ka ba sa kalagayan mo"
Hannah? Lang marunong ba tong gumalang sa nakakatanda sa kaniya.
Naglakad-lakad pa siya at inilibot ng bata ang paningin niya habang pinagmamasdan ko lang siya. Halos mabagsak ko naman ang basong hawak ko dahil sa gulat na nagpalit ito ng anyo at naging isang dalaga.
Kinabahan naman ako bigla sa naganap. "A-ano ... P-paano----- " Hindi ko maituwid ang pagsasalita ay at matuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
"Nagulat ba kita? Hannah, akala mo ba'y simpleng bata lamang ako na nakinig ng hinaing mo sa buhay?"
"A-ano ka ba talaga?" tanong ko.
Hindi parin siya mapakali at nag palakad lakad padin siya hanggang sa mag palit na naman ito bilang isang matanda.
Mas lalo akong kinabahan at naistatwa na lang at di ko alam ang sasabihin. 'Ano ba talaga ang nangyayari?'
"Sabihin na lang natin na hindi ako pangkaraniwang tao, tumutupad din ako ng kahilingan na nais mo matupad, tumutugon din ako sa gustong mangyari kapalit noon ay isang aral na iyong matutunan" sabi niya at tumigil na siya sa pag lalakad at humarap sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata. "Kasama mo ako lagi, ngunit nais kong sabihin na may isa kang dapat malaman at matuklasan, gamit ang katawang iyan"
"UYYYY! ANONG NANGYAYARI SAYO TIMOTHY....GISING"
Napabalikwas ako na sa pag uuga ng balikat ko ni Yna, siya ang P.A. ni Timothy. Nalaman ko ang pangalan niya sa ID niya kahapon dahil nakita ko.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.
"Binabangungot ka, ano bang pinag kakain mo kagabi ha!" sarkastikong tugon niya. "Tapos anong oras ka na ba natulog at ngayon ka lang nagising?"
Napatingin naman ako sa bintana na may nakahawi na kurtina. Matirik na ang sikat ng araw.
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
Tumingin naman siya sa relo niya " 12:15 NA NG TANGHALI" sabi niya sabay irap at diniinan pa 'yung ng tanghali' "Ano wala ka pang balak kumilos ha, anong oras na!!" dagdag niya.
Agad naman akong bumangon at naglakad sa banyo. 'Grabeng bunganga ng babaeng to ratatat ng ratatat'. Naligo na ako at nagbihis dahil naka handa na ang damit ko dahil hinanda na niya.
"Sir, kumain na po muna kayo. Dinalhan ko na po kayo ng paborito niyong sinangag at bacon" magiliw na sabi ni manang Belinda na naghahanda ngayon na di tiklop na mesa at doon nilagay ang sinangag at bacon.
Paborito pala ni Timothy ang bacon ah
"Salamat po manang" sabi ko at kumain na. Lumabas na din si manang at ako na lang ang naiwan dito. Napatango tango naman ako dahil masarap ang pagkakaluto. Naalala ko naman tuloy si mama. 'Kumusta na kaya siya, tuyo na naman ba ulam nila o nagbago na'
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...