CHAPTER 08

80 46 2
                                    

Hannah's POV




Gumising ako ng maaga dahil napag usapan namin ni mommy na magbonding daw kaming dalawa dahil wala naman daw siyang gagawin ngayong araw.




Naligo ako at nagbihis na bago ako sumalo kumain sa hapag kainan. Nandito si daddy at tahimik lang kami lahat na kumakain.




Matapos na kaming kumain ay pumunta na kami sa malapit na mall, dahil balak ni mommy mag shopping kasama ako. Sabi niya pa na ito ang libangan namin pag walang siyang trabaho, kaso lagi daw akong nasa condo kaya, ngayon na lang daw namin ito ulit magagawa.




"Anak, kumusta na pala ang condo mo, parang lagi ka ng nasa bahay lately...hindi ka na din lumalabas" tanong ni mommy. Kapapasok lang namin dito sa Mall.




Hindi muna ako nagsalita at nag isip muna ng mairarason "mom cute ohh" sambit ko ng may makita akong dress para  maiwas sa tanong niya.




"Oo nga no?" sagot naman niya na namamangha pa.




Pumasok kami sa boutique na yun, at namili si mommy ng mga isusuot niya. Birthday party daw kasi ng kaibigan niya next week kaya kailangan niya ng bagong damit.




"Maganda ba anak?" tanong niya sa akin na iminuwestra pa ang backless na dress. Sexy at maganda pa rin naman si mommy kahit may edad na siya kaya lahat naman ay bumabagay sa kaniya.




"Yes mom, maganda" sabi ko at pumunta na siya sa dressing room, pagkalabas niya ay na speechless naman ako sa ganda ngayon ni mommy. Bagay na bagay talaga sa kaniya.




Naimagine ko naman na ganun din kaya ako kaganda kung naayusan.




Lumabas na kami sa boutique na iyun ng may makita si mommy na vice cosmetics tumakbo papunta doon si mommy at tumingin tangin ng mga lipstick.




Sa di ko inaasahang, may lumapit kay mommy na kakilala niya. Maganda ito at matangkad, maputi ang balat sexy ang tindig ng katawan. May kasama pa itong batang idad apat.




"Ah balak namin bilhan si Tonton ng mga damit" wika ng babaeng kausap ni mommy.




"Anak, bumati ka sa tita Lori mo" sabi ni mommy na nasa akin ang paningin.




"Oh my, siya na ba si Timothy?" tanong ni tita Lori kay mommy. "Mas gwapo pala siya sa personal" dagdag ni tita.




"Hello po tita" sabi ko at nagmano pa.




"Aw ang bait naman ng batang to, ilang taon ka na nga?" tanong niya sakin.




"Ahm 19 po" sagot ko.




Alam ko ang edad ni Timothy dahil simula nung makita ko siya sa plaza kasama si Grace ay inalam ko ang buong pagkatao niya. Sobrang naging fan niya ako, kahit hindi naman siya masyadong sikat noon.




"Aw sa gwapo mong yan, may girlfriend ka na syempre!" magiliw na sabi pa ni tita Lori.





Hindi naman ako nakasagot, dahil hindi ko alam kung may naging girlfriend na ba si Timothy.




"Ah Lori wala pa siyang naging girlfriend, wala pang pinakilala sakin e" sabat ni mommy.




"Ah ganun ba?" -Lodi




"Sino pala kasama niyo ni Tonton?" tanong ni mommy.




Napunta naman ang atensyon ko sa batang cute na cute. Nakahawak siya sa kamay ni tita Lori.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon