CHAPTER 18

56 32 0
                                    

"Sandali..." sigaw niya sa akin, ngayon ay nasa harapan ko na siya. Tiningnan ko naman siya ng masama.




Ano ba 'tong inaakto ko ngayon? E nagpapanggap lang naman kami di ba? Para hindi magtaka si mama kung sino ako? E bakit nakakaramdam ako ng inis at galit sa kaniya sa ginawa niya?




Nababakas ko sa kaniya ang pag ka lasing na ngayon dahil sa namumungay niyang mga mata. Hindi ko lang mabatid kung bakit nakangiti siya na lalong nagpapagalit sa akin.




"Ano bang problema?" tanong niya.




Ano nga ba ang problema ko? Ba't ginagawa ko ito? Kanina ko pa tanong sa sarili ko!




"Ayos naman tayo kanina diba? Nag kung-kwentuhan tayo tapos bigla ka na ka---"Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil iniripan ko lang siya sabay lakad.




Nagulat pa ako ng may humawak sa pulsuhan ko kaya napahinto ako. Sumama lalo ang mukha ko ng naka ngisi na siya ngayon, hindi ko alam kung tama ba sa alak kaya niya yan ginagawa o talagang nasasayahan siyang naiinis ako. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Gusto ko na magpahinga, kung gusto mo pa uminom mag isa ka" sambit ko, hindi naman siya nagsalita, lalagpasan ko na siya ng maisip ko yung babae. "Ay may kasama ka pala pwede mo siyang  yayain mag inuman, magsaya kayo buong magdamag" sambit ko sabay lakad papunta sa unit ko.




Ang sakit lang sa dibdib, hindi ko alam kung ba't ko ito nararamdaman, tinutusok ang puso ko, naiiyak ako. Sino ba yun? Maganda.  Matangkad, sexy, maputi, ganun ba ang tipo niya. Pano ako? Hindi ba ako ang sinasabi niyang boyfriend.




Boyfriend? Oo nga pala nagpapanggap lang kami, kaya lahat ng mga ginagawa niya at sinasabi niyang hindi yon totoo, dala lang yun nang pagpapanggap. Umaasa lang ako, di ba sinabi kong wala akong gusto sa kaniya? Bakit nasasaktan ako kung wala akong gusto sa kaniya. Naguguluhan na isip ko parang sasabog na ang utak ko. litong lito na ako.




Natuon ang atensyon ko sa pinto ng may kumatok roon, hindi ko ito pinansin dahil gusto ko mapag isa dapat kong isipin at klaruhin kung ano ang nararamdaman ko.




"Hannah" sumama ang tingin ko sa pinto ng marinig ko ang boses ni Timothy, tinalukbong ko ang kumot at doon na lang umiyak. Wala naman siyang paki alam sa nararamdaman ko dahil hindi naman niya ako gusto l, nagpapanggap lang siya.




"Hannah tulog kana ba?" dagdag niya, naramdaman ko ang pagsandal niya sa pinto, lumapit ako sa pinto pero hindi ko iyon binuksan, dinikit ko lang ang tainga ko doon at nakinig.




"Bukas na lang kita kakauspin, alam kong pagod ka at nakainom ka" sambit niya, ramdam ko na tumayo siya "Goodnight sana bukas kausapin mo ko"




Kinaumagahan, ay maaga akong ginising ni Glyzelle para sabay sabay mag break fast pero sinabi ko na mauna na sila dahil wala akong gana, wala akong planong makita si Timothy, hanggat di ko na sisigurado ang tunay kong nararamdaman.




Balak kong hindi magpakita sa kaniya o kaya ay hindi siya pansinin. Mahirap siyang hindi makita dahil siya ang nag bayad ng unit na ito at nasa bakasyon kami. Gagawa ako ng paraan para hindi ko siya makasama kahit gusto ko pa makasama ang mga kapatid ko at si mama.




Nasa loob ako ng kwarto habang palakad lakad sa harap ng salamin. Iniisip ko ang mga dahilan kung paano malalaman kung gusto mo ang isang tao.




Sabi nila, first crush mo, check na yun dahil inaamin ko crush ko siya..
Second habang tumatagal ay nagugustuhan mo siya, wait ito na ba yung pangalawa, kaya ako nagkakaganito, Third, lumalalim ang nararamdaman kaya napapamahal ka. Wait, baka mali tong thoughts ko, isearch ko na lang kay google, tama kay google.




10 signs ng lihim na pagtingin: Paano mo malalaman kung gusto ka ng crush mo? Type ba na ako ng crush ko? Senyales.




Ano senyales na may gusto sayo ang lalake o babae?




1. Kilos o galaw---- isa sa mga paraan upang makilala ang isang tao ang pag oobserba ng kanilang galaw o bady language. Kapag interesado ang tao sayo madalas nakatingin siya sayo habang kayo ay nag-uusap. Tingnan mo din ang paa niya habang kausap mo siya. Malalaman mong nay gusto siya o interesado siya sayo kapag nakaturo ang paa niya paharap sayo.




Napaisip ako doon, sa tuwing nag uusap naman kami hindi ko naman napapansin kung nakatingin siya sa''kin pero alam kong nakikinig siya sa mga sinasabi ko pero di ko naman tinitignan ang mga paa niya, ang weird naman kung ganoon diba? Binasa ko ang pangalawa.




2. Paselos style---- isa sa mga senyales na gusto ka ay kung habang kausap niya ang mga kaibigan o kasamahan ninyong babae o lalake, mapapansin mo na panay ang tingin sayo. Malamang intensyon niya na pagselosin at mabaling ang atensyon mo sa kaniya.




Ginawa niya kaya yun kagabi para pag selosin ako at malaman niya na may nararamdaman ako sa kaniya? So effective nga ata, pinaselos niya ata ako at nasaktan nga ako so it means gusto ko na din siya.




Gusto niya ba ako? Kaya niya ako pinaselos?




3. Eye Contact---- tingnan mo maigi sa mata ang taong gusto mo habang kayo ay magkausap. Kapag lumaki ang itim ng mata na nasa sentro (pupil) ibig sabihin type ka niya dahil ang isang tao kapag may gustong bagay lumalaki ang pinaka gitnang parte ng itim ng mata nito.




Hindi naman ako ganun ah, bakit lalaki ang mata ko, nakakahiya naman yun. Tsaka kailangan ko ba buklatlatin ang mata niya para malaman ko na gusto niya ako.




4 Hulog Style----- isa sa mga paraan ang paghulog ng anumang bagay sa harapan o pag dumadaan ang crush mo, kapag pinulot niya at inabot sayo, maaring ibig sabihin ay crush ka niya. Ngunit wag kang mag assume na gusto ka agad dahil pwede ding mabait lang ang crush mo. Halimbawa, kung ang aklat na dala mo ay nahulog ay pinulot niya, maaring type ka niya.




Napaisip ako doon, pero hindi ko pa nagawa yun sa kaniya, tsaka masyado naman paasa yung number four na yan, hindi sigurado.




Napailing na lang ako "so kung sa apat na iyon maaring may gusto na nga ako sa-----"




"Ate sabay na nga daw tayo kumain" pagmamaktol ni Glyzelle sa pinto ko. Napaisip naman ako kaya ngumiti na lang ako gagawin ko kay Timothy ang lahat ng nasa google para malaman ko na gusto niya ba ako o hindi dahil ako sigurado na akong gusto ko siya.




Kumilos na ako at sabay na kaming bumaba ng Glyzelle. Nandito na rin si Timothy, mukhang ako na nga lang ang inaantay. Pinangunahan ni mama ang pag darasal. Kumain na kami, magkatabi kami ngayon ni Timothy, pasimple kong hinulog ang tinidor ko kaya napatingin silang lahat sa'kin.  Nakita ko naman na nagulat si Timothy sa pagbagsak ng tinidor pero tinignan niya lang yon.




"Hala baka may darating na bisitang lalaki kuya" wika ni Glyzelle.




"Naku, sabi-sabi lang yon anak di natin alam kung totoo" sambit ni mama. Hindi dinampot ni Timothy ang nahulog na tinidor, tumayo lang siya at umalis pagbalik niya may dala na siyang tinidor at ibinigay iyon sa akin ng hindi nagsasalita.




So hindi nga niya ako gusto!!

Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon