Hannah's POV
"Sinasabi ko na nga ba na walang patutunguhan yang pagsasayaw mo e, nilagyan mo lang ng kahihiyan ang apelyido ko" sermon sa'kin ng daddy ni Timothy.
Nandito kami ngayon sa hapag kainan na kumakain, nagalit siya dahil sa kapalpakan ko kahapon.
"Alam mo ba na ako ang usap usapan sa trabaho ko dahil sayo ha" sermon pa niya, samantalang kumakain lang ako dito. Di ko na lang siya pinapakinggan at di na lang ako sumasagot dahil alam ko naman na kasalanan ko.
"Paano mo ipapaliwanag yun ha" sabi niya pa na ngayon ay huminto na sa pagkain.
"S-sorry po" tanging tugon ko.
Di naman siya nakapagsalita at napahawak na lang sa bibig niya. "Tama ba ang narinig ko ha" sabi niya na hinawakan ulit ang kutsara at umiling "nag so-sorry ka na pala ngayon"
"Sorry po talaga, sa susunod po pagbubutihan ko na" sagot ko.
Tinaasan naman niya ako ng kilay "Diba dati ko pa sinabi na ayaw ko ng pagsasayaw mo" tugon nito na galit na ang tono ng pananalita "wala kang mapapala kakasayaw mo"
Tumayo naman siya at nahawak naman ang kamay ng mommy ni Timothy sa braso ng daddy ni Timothy.
"Nawalan na ako ng gana" sabay kuha ng bag niya "aalis na ako" At patuloy na lumabas.
Nakayuko naman ako at di ko na masubo ang kinakain ko. Nakatingin naman ngayon ang mommy ni Timothy sa'kin.
"Anak! Pasensiya na sa daddy mo ha" tugon niya na lumapit pa sakin. "Wag sasama ang loob mo ha"
"Opo mommy" sagot ko.
Napahawak naman ako sa kamay niya ng may maisip ako "mom.. Pwede po ba ako pumuntang Cebu?" sabi ko na nag papa cute pa.
"Di ba kakagagaling mo lang dun nong nakaraang linggo" gulat na tugon niya, kaya lumaki naman ang mga mata ko. "Tsaka magsisimula na ang pasok mo sa school next week" dagdag niya.
So hindi talaga ako makakapunta doon. Makukulong na lang ba talaga ako sa katawan na'to.
"Ikaw ha, dalawang linggo ka pa lang dito na mimiss mo na agad ang lola mo, akala ko ba ayaw mo sa probinsya" dagdag niya na may ngiti at iling iling. Kumain na lang siya ulit kaya kumain na din ako.
Umakyat na ako sa room ko at nahiga na lang doon at manonood ng Tv. 'Tama, tatawagan ko ang phone ko'. Agad ko naman kinuha ang phone ni Timothy at ida-dial na sana ang phone ko kaso may password, di ko mabuksan.
Pano ba'to?
Ay makikitawag na lang ako sa kasambahay. 'Tama oo tama'
"Manang" tawag ko sa kasambahay na ngayon ay naglalaba. Naalala ko naman na naglalaba ako dati sa sapa kasama si Belinda at Fiona.
"Bakit sir?" Sambit niya na nagtataka.
"Ah, may load ka po ba pantawag. Makikitawag po sana ako" sabi ko na nahihiya pa at di makatingin.
"Meron po sir, wait lang" lumabas siya at nag antay naman ako dito sa loob. Habang wala siya tinuloy ko ang paglalaba niya gamit ang washing machine. Nilagay ko iyun doon at tinignan ko nung san ko pa ipipihit.
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...