CHAPTER 20

40 24 0
                                    

"Ang ganda nga dito" manghang sambit ko habang nililibot ang aking mag mata sa paligid. Walang ibang tao dito kundi kami lang. Si Timothy ngayon ay naghahanda ng mga pagkain. Nag latag din siya ng sapin, mukhang mag pipiknik kami ngayon dito.



Nang matapos siya ay maghanda ay tumabi siya sakin. Nakatayo na siya ngayon sa tabi ko. Nakangiti siyang nakatingin sa dagat na kulay bughaw ang tubig. Isang malaking wall na may mga bato sa gilid ang itsura nito, nandito kami ngayon sa tuktok ng wall na napapalibutan ng mga bato na hinahampas ng mga alon.



"Tara maupo tayo" anyaya ni Timothy at umupo na sa sapin kasama ang mga pagkain.



"Wow, Lasagna" manggang sambit ko. Gustong gusto ko talaga ang lasagna, simula ng makatikim ako nun kasama si Yna.



"That's my Favorite" tugon niya.



"Fried rice and bacon ang paborito mo diba?" takang tanong ko.



Tumango siya "Yeah luto ni manang Belinda" sagot niya.



"Miss ko na din yung matandang 'yon" bumuntong hininga siya "pangalawang nanay ko na siya, mas nakakasama ko siya kaysa sa totoo kong mommy" dagdag niya. Tara kain na tayo habang may araw pa" yaya niya sa'kin, inilahad pa niya ang lasagna sa'kin.



"Maganda ang araw na papalubog na, panoorin natin pagtapos nating kumain" sambit niya.



Tumango naman ako, "ikaw lahat naghanda nito?" tanong ko.



Andami naman kasi niyang dinala kaya pala anlaki ng dala niyag bag dahil puro pagkain naman pala ang laman.



"Oum" sagot niya.



Nang matapos kaming kumain ay inantay na muna namin ang paglubog ng araw. Iniligpit na rin niya ang mga tirang pagkain at gamit.



Nagulat pa ako ng bigla siyang sumandal sa'kin. Hindi ko maintindihan kung gusto ko pa ba siya o mahal ko na sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.



Hindi ako makagalaw na parang nanigas na rito. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang pagtibok ng akin puso.



"Alam mo bang ngayon lang ako sumaya ng ganito" biglang sambit niya.



"Ha?"



"Hindi ko alam na may nag e-exist palang katulad mo"



"Ay baliw ka?"



"Baliw sayo" sambit niya sabay ngisi. Natulak ko naman siya na muntik na niyang ikahulog, hinila pa'ko buti na lang ay di kami nahulog sa tubig. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.



"Tarantado ka" Kunot noo kong sambit.



"B-bakit?'



"Anong baliw sayo pinagsasabi mo?"



"Di ko alam" ngisi niya. "Basta ngayon ko lang naramdaman 'to kakaiba e" dagdag niya sabay iling.



"Ano ba 'yon?" tanong ko.



"Yan na palubog na ang araw" tuwang tuwa na parang bata ngayon na tinuturo ang araw na na palubog na.



Umiling na lang ako at napangiti sabay tingin doon. Ang sarap sa pakiramdam ng mga nangyayaring ito. Sana hindi na magkaroon pa nang bukas, ayokong matapos ang sayang nararamdaman ko.



Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon