Hannah's POV
"WHOOA trending ka ngayon, panez sikat na sikat ka" sarkastikong pagsesermon ni Yna. "Pati ako damay nito mamayang mapapagalitan, napakagaling mo" panunumbat pa niya habang lakad ng lakad dito sa harap ko.
Nakaupo ako ngayon dito sa mini sofa sa condo nila Yna. Inaantay namin ang daddy na siyang manager ko daw.
Sa loob ng dalawang oras ay nag trending ang video ko sa social media. Halos lahat ay kalat na, kaya ngayon problemadong problemado si Yna kung ano sasabihin sa daddy niya.
"Okey na sana e, sikat kana, kilala ka na ng mga tao ang kaso, ampanget ng pagpapakilala potangina" sermon pa ni Yna.
"Sorry na di ko naman alam" tugon ko na, para tumahimik na siya.
"Alam mo nagtataka ako sayo, napaka hinhin mo, di ka naman ganyan please wag ka na mag panggap Timothy" pagmamakaawa niya na umupo na lang sa tabi ko habang sapu-sapo nito ang noo.
Bumukas ang pinto na banda sa kwarto at tumambad sa harap ko ang isang lalake na may edad 30+ na. Napailing iling ito habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Anong nangyari? Eto ang unang beses na pumalpak ka sa pagsayaw! Hindi ba't ito ang hilig mo pero bakit nagkaganun?" panimula niya. Kumuha ito ng tubig at uminom. Hindi naman umiimik si Yna na ngayon ay katabi ko na nakaupo sa mini sofa. "Ginawang katawa-tawa ang performance mo! Masaya ka ba?" Tanong nito na nakatingin ng diretso sa akin.
Di naman ako makasagot at nag iwas na lang ako ng tingin. "Hindi ka ganyan, anong nangyayari sayo Timothy, pinapahiya mo ang sarili mo" dagdag pa niya.
"Yna hindi mo ba to naaalagaan at nag kaka ganito iyan" tanong ng daddy niya.
"Hindi ko alam dad..., lagi naman po kaming magkasama..., nag practice naman siya pero di ko talaga alam kung bakit naging ganun" tugon ni Yna.
"Hindi ba kita nagagabayan Timothy?" tanong nito sa akin.
"Sorry po" tanging tugon ko.
"Nag so-sorry ka? Himala ata to" sarkastikong tugon nito. "Kahit kailan ngayon lang kita narinig na mag sorry, lumambot ka na pala. Nakakatuwa naman" Nagulat naman ako ng guluhin niya ang buhok ko kaya nasira ang ayos ng buhok ko at gumulo yun. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti naman siya. " aayusin natin to, wag kang mag alala" tanging tugon nito.
Sinenyasan naman niya si Yna na mukhang mag uusap sila na dalawa lang kaya ako nalang naiwan dito mag isa sa sala nila.
Naalala ko naman ang kahihiyang ginawa ko, malay ko ba na solo dance yun akala ko grupo dahil gagayahin ko na lang. Naalala ko naman si Timothy noong una ko siyang makita. Hindi pa siya kilala nun, pasali sali palang siya ng contest
---Flashback---
"Uy Hannah, tara nood tayo sa plaza may dance contest daw" sabi ni Grace na nakasabit sa braso ko at niyuyugyog ako.
"Nukaba di ako interesado sa mga ganyan Grace" sabi ko sabay bawi ng braso ko.
"Minsan lang naman yun, ayaw mo pa" tugon niya na naglulungkot lungkutan, dahil maawain ako.
"Sige na punta na tayo" sabi ko.
Napatalon naman siya sa tuwa " Yown papayag din naman pala.
Pagtapos namin sa trabaho ay dumiretso na kami sa plaza dahil excited na excited si Grace na mapanood ang Dance Contest na yun samantalang ako ay naupo lang dito sa may gilid.
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...