Hannah's POV
"May tanong ako?"
"Hmm?"
"Anong nangyari noong nakaraang gabi?" tanong na kinatigil niyang kumain.
"Wala naman" sagot niya.
"Anong wala? Alam kong meron, kaya ako pumunta dito kasi nag aalala ako"
"Wala nga"
"Bakit iiyak ng ganun ang mga kapatid ko kung wala?" tanong ko. "Tsaka mas lalong hindi ka iiyak ng ganun kung wala yun Timothy" dagdag ko. Napatingin siya ngayon sa mga mata ko.
"Ah kasi--- "
"Wag ka na magdahilan please! Sabihin mo na, tayong dalawa lang tao dito oh" sambit ko na naiiyak na.
Bakit pa kailangan niyang ilihim ang nangyari, pamilya ko to kaya bakit niya kailangan itago?, nag aalala lang ako sa nangyari
"Hindi ko kasi alam kung matutuwa ka" pambungad niya. "Sorry" tanging dagdag niya.
"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na!"
"Noong nakaraang araw, nag laba ako sa sapa" panimula niya.
"Then?"
Napatayo ako ng yumuko siya at biglang naghikbi. Hindi siya iiyak ng ganun kung hindi malala ang nangyari. Lumapit ako sa kaniya at tumabi, tinapik tapik ko ang likod niya at hinahagod yun na para kumalma siya at tumahan na.
"Nang matapos akong maglaba, inabangan niya ako" dagdag niya.
Agad naman akong kinabahan, kung para sakin ay nakakaawa na makitang umiiyak si timothy ngayon sa harap ko. Pano na lang kung ako yun, e babae ako. Nalungkot akong bigla hindi ko akalain na mangyayari to, sana ay mali ang hinala ko.
"Inabangan niya ako at muntik na niyang gahasain" patuloy niya at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
Lalaki si Timothy na nasa katawan ko, malakas siya at matapang pero ngayon ay umiiyak siya sa harap ko, alam ko at ramdam ko siya dahil kahit sino hindi matutuwa kung ang sariling dignidad ang masira.
Isa pa don, kahit hindi katawan ni Timothy yan ay akin ang katawan. Nakaramdam naman ako ng galit, dahil magawang babuyin ang katawan ko ng hayop na Lorenzo na yon.
"Pero hindi niya ako nagahasa dahil lumaban ako" hikbi niyang sambit.
"Sshhs.. Nasaan na si Lorenzo ngayon?" inis na tanong ko.
"Nagtatago" sagot niya.
"Sorry" tanging sambit ko at umiling lang siya.
"Hindi mo kailangan mag sorry, kasalanan ko naman" nagpupunas na siya ng luha ngayon.
"No, hindi mo dapat naranasan yun kung nasa tamang katawan ka lang sorry"
"Hindi, una palang di mo naman kilala si Timothy, ako ang nagpapasok sa buhay niyo kaya kasalanan ko, nadamay pa tong katawan mo" sambit niya.
"Shsh tahan na, wala kang kasalanan okey, si Lorenzo ang may kasalanan" sambit ko.
Nang matapos naming kumain, niyaya ko siyang maglaba dahil namiss ko ang paglalaba sa sapa. Sa una ay ayaw niyang pumayag dahil sa tingin ko ay na trauma siya sa nangyari, pero nong makita niya akong malungkot ay siya na ang nag yaya, tatanggi na sana ako kaso dumating si Fiona at Belinda, balak lang nilang mag kwentuhan kami kaso niyaya na din namin mag laba at doon na sa sapa mag kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasíaSa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...