CHAPTER 24

31 11 0
                                    

"Ate"




"Mama gising na si ate" siga ni Glyzelle.




Unti unit kong iminulat ang aking mga mata, nakabalik na ba'ko? Hinilot ko ang aking sentido. Sobrang sakit ng ulo ko na parang puputok na.




"Anak ayos ka lang?" alalang sambit ni mama.




Nakabalik na nga ba ako?




O




Isa itong panaginip..




Napaupo ako at naalala ko ang lahat. Natuliro ako at hindi mapalagay, hindi pwede.




"Mama totoo ba'to?" tanong ko.




Gulat naman silang lahat sa reaksyon ko, sinampal ko ang mukha ko at nakaramdam ako ng sakit. Tumayo ako at naghanap ng salamin. Totoo nga at nakabalik na'ko, pero paano?




Nabaril ako kanina sa merkado—— nasapo ko ang aking noo nang mapagtanto na kailangan ko puntahan si papa.




At




Si Timothy...




Nalilito at tulala nila akong pinagmamasdan sa aking kilos na tila kakaiba. Pilit ang ngiti ko, nakabalik na'ko sa sarili kong katawan.




"Mama kailangan ko pumunta ng Hospital" alalang sambit ko habang inuuga ang balikat niya, tulala parin siya hanggang ngayon.




"Ah oo—— ay teka bakit?"




"Ma, si papa naaksidente" sambit ko, namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Sa gulat ni mama ay napatayo siyang bigla at hinawakan ako sa palapulsuhan.




Hindi na tumatakbo ang isip ko, ang iniisip ko na lang ay sana ligtas si papa at si..




Naiiyak na'ko, halos lakad takbo na ang ginagawa namin ni mama. Wala kaming pera kaya kaming dalawa lang ngayon ang magkasama. Iniwan namin si Wiona at Glyzells kanila Fiona.




"Tahan na" alo ni mama sa'kin. Nasa jeep na kami ngayon. Hawak ang cellphone ay tinawagan ko abf numero ni Timothy, nagbabakasakali na may sumagot noon. Hindi nga ako nagkamali.




"H-hello" ngarag ang boses ko nang may sumagot ng tawag.




["S-sino to?"] boses ng isang babae, nasisiguro kong boses iyon ng mommy ni Timothy.




"T-tita" tumutulo ang luha ko habang binabanggit iyon. "Saan pong hospital naroon si Timothy"




["Sino ka ba?"] tanong niya.




"Gi—girlfriend niya h—ho ito" sagot ko.




Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. Nasisiguro ko na sobra siyang nag aalala ["Perpetual Succour Hospital"]




Napatango ako na parang nakikita niya iyon, kasama ng nahuhulog kong mga luha ay pinatay na ang tawag.




Nang makarating kami sa Hospital, halos madapa ako at maiwan si mama, hindi na ako mapakali. Nahagip ng aking mata si Timothy nakatayo sa isang harap ng pinto kasama ang kaniyang pamilya. Nakita niya ako at lumaki naman ang aking ngiti.




"Aka——" natigil ako ng hindi ko siya mahawakan.




Napasilip ako sa isang pinto na may salamin, kitang kita ko na inooperahan ngayon si Timothy. Kinukuha ang bala sa kaniyang balikat. Halos mapaluhod ako dahil sa  walan ng lakas.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon