PROLOGUE
3rd Person POV
Isang babaeng mahirap pero may mabuting puso. Siya ang tumayong ama at kaagapay sa ina niya mula ng iwan sila at nagkaroon na ng ibang pamilya ang ama nila. Kasulukuyan din siyang nag-aaral sa pampublikong paaralan habang siya ay nagtatrabaho. Siya si Hannah Fernandez.
Lalaking mataas ang tingin sa sarili dahil may angking kagwapuhan at kayamanan. Puro kalokohan ang laging laman ng isip. Walang siniseryoso sa buhay. Iresponsable sa lahat ng bagay ngunit pinagtutuunan din naman niya ang pag-aaral ng kaunti. Sakit sa ulo ng magulang. Nag-aaral siya sa pribadong paaralan. Siya si Timothy Hermoso.
Malayo ang pag-uugali ng dalawa. Ngunit konektado sila sa isa't isa.
NAGBAKASYON si Timothy sa Cebu para makasama niya ang lola niya. Kahit ayaw niya ay pumayag na lang din siya kasi ihohold ang kaniyang mga cards. Kaya wala siyang nagawa ay tumungo na lang doon. Dalawang buwan lang naman kaya naisip din niya na mas madali lang yun kaysa maghirap dahil wala siyang pera.
Natapos ang dalawang buwan ay mag sisimula na ulit ang klase kaya bumalik na din siya sa Maynila ngunit bago nangyari ay naisip niyang bumili ng souvenir. Nagpasama siya sa isang katulong at isang driver.
"Giatay" sigaw ni manang Lordes ng may mabunggong babae sa daanan. "Kulbaan ko tan-awa, babaon natu kaluoy" dagdag niya.
Bumaba naman si manong Efren para tignan iyun samantalang si Timothy ay naiinip na naiwan sa loob ng kotse.
Tanaw ni Timothy mula sa loob ng kotse na nag tatalo pa ang babae at sina manong Efren.
Bakit kasi sa lahat ng pupuntahan dito pa 'merkado'.
Di na nakatiis at lumabas na si Timothy sa kotse. Sa taglay nitong kapogian ay napatingin sa kanya ang mga tao di lang kababaihan kundi ang mga lalaki ay naka agaw ng pansin sa kaniya.
"Hey! Miss kung di ka haharang harang sa daan hindi ka masasagasaan" tinignan niya mula ulo hanggang paa ang babae ngunit namilog lang ang bibig nito na ang mga mata ay nagulat sa nakikita nito. "oh wait wala ka naman galos ah ni gasgas wala ka e ano pa nirereklamo mo"
"Pastilan ginoo wala ka kahibalo kung asa ka karon" pagmamataray nito matapos matauhan sa nangyayari.
Lumapit si Timothy "Magkano ba ang kailangan mo para wag kana mag iskandalo?" pag tatanong nito na may pagmamayabang sa tono nag kaniyang pagsasalita.
"Wala ko kinahanglana ang imong kuwarta" pagmamataray nito.
"Edi makakaalis kana" tumalikod siya ng magsalita ang babae.
"Mag sorry ka" sabi ng babae at napalingon si Timothy at tumaas lang ang kilay niya, tumingin siya kay mang Efren at sumenyas lang na sumakay na agad.
Narinig niya pa na nag salita ang babae ngunit hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy na si Timothy sa pagpasok sa kotse.
Pumarada na sila sa mga paradahan ng mga ibat-ibang sasakyan. May motor, kuliglig side-car at iba pa.
Inilibot ni Timothy ang mga mata niya sa buong paligid. Natatanaw niya sa kabilang side ay ang malaking merkado. May nagtitinda ng mga kahit anu-ano halu-halo iyun. Sa kabilang side naman ay may ganun din, malaki na Tyangge. Pumasok sila doon ni Manang Lordes at Manong Efren.
Madaming mga klase ng damit doon at puro mura lang ang presyo. Walang brand at ang iba pa ay second hand na. Pero hindi naman sila pumunta doon sa second hand, namili sila sa alam nilang amoy bago.
NAPAGDESISYUNAN naman ni Hannah at ng mama niyang si Beatriz na umuwi na lang ng Cebu kasama ang mga kapatid. Sa loob ng limang taon ay di nila kinaya ang hirap ng buhay sa maynila.
Nagtrabaho si Beatriz sa tyangge ng mga damit panlalake. Nangutang siya ng puhunan sa bumbay at dahil magaling naman siya humawak ng pera ay lumalago na ito.
Habang bakasyon naman si Hannah ay tumutulong sa kaniya sa merkado paminsan-minsan at kung hindi naman ay nag lalabada ito sa mga bahay-bahay.
"Daghan nga imong kustomer day?" tanong sa kaniya ni Fiona. Naglalaba sila ngayon sa ilog. Bagaman laking Maynila siya nakakaintindi naman siya ng bisaya dahil sa lengwahe ng mama niya at ng papa niya noon.
"Sakto lang" tipid na sagot ni Hannah
"Dili ka makasulti ug bisaya pero kasabut ka?" tanong ni Belinda. Ngumiti nalang si Hannah at umiling.
Thankful padin ako dahil nakakaintindi sila ng tagalog.
"Pagsaway Belinda nidaku siya sa manila kaya iyang gimauhan ay tagalog" tugon ni Fiona habang nagkukusot.
"Tahimik kaayo ka nganibago ka diri" tanong ni Belinda.
Siguro nga ay naninibago lang si Hannah dahil ito ang unang beses niya na nakarating sa Cebu. Parang maynila din naman ang Cebu. May mga building din pero sa bundok sila nakatira.
"Ka-gwapa nimu Hannah, daku ug krass nimu ang akong kuya Berto" sabat ulit ni Belinda.
Si Belinda ay maingay at madaldal, hindi lagi nauubusan ng baong kadaldalan samantalang si Fiona naman ay madaldal pero may preno hindi tulad ng kay Belinda.
"Pastilan Belinda, giritu mo dayun kay dili niya kaila imung igsuon" sabat ni Fiona. "Ila-ila muna" dagdag niya.
Napapailing na lang si Hannah sa kanilang dalawa. Bago pa lang sila ni Hannah doon. E halos lahat ng kalapit na bahay ay interesado sa kanila. Para silang artista dahil sa mga taong gusto silang makita.
"Maulawon ang akong igsuon" sagot ni Belinda.
"Pagtarung diba uy, imong igsuon kilala nga daghan ug babaye" sabat naman ni Fiona.
"Tinuod na, pero na lab at persayt akong igsuon sa imuha Hannah dili siya kasulti nimu bitaw imung siyang bastedun kay gwapa kaayo ka" tumingin si Belinda kay Hannah, samantalang si Hannah ay wala lang sa kaniya ito.
Ngumiti si Hannah "hindi naman po ako pumunta dito sa Cebu para makipagligawan atsaka wala pa sa isip ko yan" sabi niya at ngumiti.
Mga apat na oras din ay natapos na silang maglaba sa ilog kaya umuwi na sila sa bahay nila. Ang bahay nila Hannah ay kubo lang. Medyo malaki ang kubo at may hardin sila ng mga bulaklak sa gild ng kubo.
Isinampay niya ang kaniyang nalabhan na sa sampayan. Nagpahinga na siya at di namalayan na nakaidlip na pala siya.

BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...