1. Angkan ng mga Cortez.
MALAMBING na hinawakan ni Mr. Gosongwei ang aking kaliwang palad. Dumampi ang kanyang labi habang nakatingin sa aking mga mata.
"You're so gorgeous, Melinda." Puri nito sa akin.
Napa-ow naman ako sa sinabi niya. "Ikaw talaga, Mr. Gosongwei!" Tinapik ko ang kamay niya upang mabawi ko ang kamay ko. "You never failed to make my heart flattered!" Dagdag ko.
Ang lalaking ito ay madaling bolahin. Ngumiti lang ako sa harapan niya at tiyak na makukuha ko ang tiwala niya. Ilang beses na rin kaming nagkikita sa cruise ship na pagmamay-ari niya. Pinapadalhan niya rin ako ng pera at mamahaling mga aksesorya isang beses sa isang linggo.
Ito ang trabahong bumubuhay sa akin simula nang maging ulilang lubos na. Ang tulad kong hindi tapos sa pag-aaral ay pinagkaitan ng puwang sa lipunan na aking ginagalawan. Kaya heto, nakikipagtagpo ako sa iba't-ibang lalaki na may malulumbay na buhay at walang magawa sa kanilang pera. Nakikipag-usap, yumayakap, hinahaplos ang parte ng katawan ko na makikita lang sa labas. But sex is not included in the package.
"Hello! Henrietta!"
Tila ako isang lasing na naglalakad sa kalsada bitbit ang gym bag na pinaglalagyan ko ng mga damit, wigs, at makeup na kakailanganin ko upang hindi matukoy ng mga lalaking kakatagpuin ko ang tunay kong itsura.
Kausap ko ang kaibigan ko sa kabilang linya. Gaya ko ay pareho rin kami ng trabaho.
Matapos kong makipagkita sa una kong customer ay may susunod pang isa. Nakalimutan ko ang oras dahil sa lintek na organic steak na 'yon! Napasarap ang kain ko at nalimutan kong may trabaho pa nga pala kong aatupigin pagkatapos ni Mr. Gosongwei.
"Ano bang pangalan ang maganda? Bagong customer ito at base sa boses ay mukhang nasa trenta lang ang edad." Pumasok ako sa public restroom sa isang gasoline station. Hinubad ko agad ang heels na suot ko upang kahit papaano ay maging komportable.
"Nakupo! Mabola mo kaya ang isang 'yan?" Alam kong napasapo na siya sa kanyang noo ngayon.
"Wala akong magagawa! Ito ang pinagkaloob sakin ni Boss Lorenzo." Inalis ko ang blondinang wig na nakasuot sa ulo ko. Matapos 'yon ay ang mabibigat ko namang mga hikaw na nabili ko sa divisoria noong nakaraang linggo.
"Ikaw ang bahala! Alam mo naman na nasa 50's at mahigit ang karaniwan mong customer. Baka mahirapan ka sa isang 'yan lalo pa't hindi nalalayo sa edad mo."
Pumasok ako sa cubicle at doon hinubad ang dress ko.
"Ang dami mo pang sinasabi! Pangalan lang naman ang tinatanong ko sayo bruha!" Isinuot ko na ang bago kong outfit.
Ang sabi ni Boss Lorenzo ay may kasimplehan ang gustong babae ni Customer 14. Ayaw nito ng makapal ang makeup at masyadong girly. Well, akong-ako lang talaga.
"Brenda....Brenda Domagoso ka naman ngayon!" Narinig ko paghagikgik niya sa kabilang linya.
"Brenda? Hindi ba't iyon yung landlord natin na ubod ng sungit?" Lumabas na ko sa cubicle at agad na naghilamos ng mukha.
"Eh kasi naman, lahat ng sinasabi ko sayong pangalan eh mga taong nakakainisan ko. Sa ganitong paraan lang ako makakabawi sa kanila no."
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...