16. Walwalan time."WHOOOOOOOOO!!" Sigaw ko habang pinagwawagay-wayan ang isang bote ng Rum sa kamay ko.
Malakas ang tugtog at maganda ang kislap ng disco lights. There's no doubt, Capri Nightclub is the best club ever!
I'm dancing wild with other guys. Hindi ko sila kilala o kahit ang mga pangalan nila. Pero masaya silang kasama. Ayos lang na sumandal ako sa dibdib nila o kahit ang hagkan ang magaganda nilang pangangatawan.
Hapon pa ko nandito hanggang sa gabihin na. Pero hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod sa maya't-mayang pagsasayaw at pag-inom. I think I'm improving. Nakakailang bote na ko pero nasa ulirat pa rin ang utak ko.
"Let's dance!" Sigaw ko pa.
"Hoy babaita!" Nagulat ako sa biglang paghila ni Henrietta sa kamay ko. Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito.
Kinaladkad ako nito paupo sa malapit na couch. Napahimas naman ako sa kumikirot kong sentido.
"Pano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko.
Napahalukipkip siya ng braso. "Tinawagan ako ni Eliseo. Hindi siya makakapunta dahil may problema sila ng girlfriend niya. So, he sent me here." Tumabi ito sakin. "Nasisiraan ka na ba? Bat nagpunta ka dito na mag-isa? Hindi ka ba natatakot na baka may mangyaring masama sayo?" Nagsimula na itong magsermon.
Ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Kaya ko ang sarili ko, Henri my friend! Parang hindi mo naman ako kilala no!"
Hinawi niya na parang kurtina ang mga kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "I called your husband."
"What?!"
"Feeling ko papunta na siya ngayon." Sabay tingin nito sa wrist watch niya.
Tumayo agad ako at kinuha ang dala kong bag. "Ikaw ang hibang, Henri! You shouldn't call him! He's the reason why I'm devastated at the moment! I hate him!"
Tatakas na sana ako kaya lang ay masyadong malakas si Henrietta. Isang hila lang niya ay talagang napapabalik ako. Muli akong napabalik sa pagkakaupo sa couch.
"What the hell are you doing?" Naiinis kong tanong.
Kinuha nito ang bote ng Rum at nilagok ng derekta.
"Wait your husband so I can go home."
"Home? I also wanna go home. Iuwi mo na ko sa apartment, Henri. I want to go back!" Para kong bata na nagwawala dahil hindi naibili ng lollipop.
"Sabi ko naman sayo diba? Things will not be the same again when you let Tendo to enter your fvcking life."
Napailing ako. Muli nanamang bumuhos ang luha ko sa hirap na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi lang naman siya basta pumasok sa buhay ko. I even marry him for Pete's sake!" Napasapo ako sa noo at bahagyang napatungo.
"Kung mahal mo talaga siya, go! Pinahihintulutan na kitang magpakatanga sa lalaking iyon."
Mas lalo ako napahagulgol ng iyak. Henrietta never failed to be a parent, sister, and bestfriend. Kahit kailan ay hindi niya talaga ko kayang tiisin. Alam niya na kahit hindi makakabuti sakin si Tendo, she will still support me. Sa kadahilanang, alam din niya na si Tendo ang makakapagpasaya sakin.
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Любовные романы[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...