A/N: it's third persona! Not Selena's POV, but MY POV.
17. Ang business trip.
"HEY! Wake up."
Tinapik ni Tendo ang pwetan ng kanyang asawa upang magising na ito. 10am ay dapat nasa Cortez Resort na siya, sa Batangas ang lokasyon. Pero dahil alas sais ng umaga na siya nagising ay mukhang male-late pa ata siya ng dating.
Inaatok pa si Selena. Ngunit dahil sa boses at mga tapik ni Tendo sa kanyang pwetan ay napilitan siyang gumising. Kinusot ang mga mata nang bumangon. Nawala sa isip niya na may maagang business trip nga pala si Tendo. At isa pa, unusual para sa kanya ang gumising ng alas sais y medya dahil alas syete ang awtomatikong pagmulat ng mga mata niya mula sa pagkakahimbing.
Nilingon niya ang lalaki sa closet area ng kuwarto. Abala na ito sa pagbibihis. Bagamat nakatapi lang tuwalya si Tendo sa ibabang parte ng katawan niya, gustuhin man ni Selena na angkinin ito ay hindi rin niya magawa. Kagigising lang niya at wala pa siya sa mood.
"Ang aga mo naman ata." Nagtungo ito sa banyo at naghilamos. Habang si Tendo naman ay nagbibihis na ng komportableng tshirt at maong pants. Hindi ito naka-formal suit ngayon gaya ng nakagawian.
Cortez Resort ang pupuntahan niya. Mainit, crowded, mabuhangin, at matubig. There's no way on earth he can withstand the weather by wearing polo shirt with coat.
"Late na nga ko eh." Natapos na itong magbihis, hindi pa rin lumalabas ng banyo si Selena. Well, washing, brushing, and peeing is different level for women.
Kinuha ni Tendo ang kanyang maleta at nagsimula nang piliin ang ilang damit na dadalhin niya.
Then Selena came out from the comfort room.
"T-teka? Para san 'yan?" Tanong nito habang nakaturo ang daliri sa maletang nasa sahig.
"Business trip nga." Sagot naman ni Tendo habang inilalagay sa maleta ang ilan niyang tshirt at boxers.
Parang nawala ang antok ni Selena sa ginagawa nito. Ilang damit ang inilalagay ni Tendo sa kanyang maleta, mukhang hindi lang ito isang araw na mamamalagi doon.
Kinuha ni Selena ang isang unan sa kama at ibinato sa pwesto ni Tendo. "Oh ito pa! Mukhang hindi ka na uuwi eh."
Nagsalubong ang kilay ni Tendo sa inasta niya.
This time, kumot naman ang ibinato ni Selena sa kanya.
"Oh iyan! Baka lamigin ka don!"
Isinara ni Tendo ang kanyang maleta at naiinis na nilapitan ang kanyang asawa. Halatang ayaw nitong paalisin siya.
"Ano bang problema mo? Business trip ang pupuntahan ko, Selena. Hindi outing!"
"Gaano ba katagal 'yang business trip mo at kulang nalang ay hakutin mo lahat ng gamit mo?"
"Wag ka ngang OA!" Kinuha na ni Tendo ang maleta. "One week akong mawawala kaya madami akong dalang damit."
One week? Mukhang hindi matatagalan ni Selena ang ganoong katagal ng pagkawala ng kanyang asawa. Isang oras nga lang ang lumipas ay namimiss niya na agad ito. Iyon pa kayang isang linggo.
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...