Chapter 8

2.6K 108 3
                                    


8. Si Auntie Glorietta.

MAGKATABI kami ni Tendo sa isang mahabang couch, habang nakaupo naman sa single couch kanyang Auntie Glorietta. Glorietta Cortez is the sister of Tendo's father, as well as Miklos, Stan, and Eliseo's. Hindi siya umattend sa kasal namin ni Tendo kaya't ngayon ko lang siya nakita.

Elegante ang bawat pagkilos nito. Hindi ngumingiti ngunit kalmado. Sinimsim nito ang isang tasa ng kape na tinimpla pa ng sekretarya ni Tendo na nasa front desk.

"Paulina really knows my prefer taste in coffee." Bigla itong napatingin sakin. "Mas kumbinsido pa ko kung sakaling siya ang pinakasalan mo, Tendo."

Ano bang gustong iparating nito?

"Auntie, my mom likes Selena so much."

Marahang ipinatong ni Tita Glorietta ang hawak niyang tasa ng kape. "But how about you? Do you like this girl?" She pointed her index finger towards me. Wow! Just wow!

Napatingin ako kay Tendo na biglang natahimik. Siniko ko naman siya upang matauhan sa pagiging tulala. Ayokong mapahiya no!

But Tendo's mouth stays shut.

Biglang tumawa si Tita Glorietta. "You always follows what Imelinda wants you to do and to be. Pare-pareho kayong magpipinsan, mga under ng mga ina niyo."

"Mawalang galang na ho." Hindi na ko makatiis. I mean, what's wrong with that?

"I'm not talking to you, outsider." Outsider? Ako? Muli itong tumingin kay Tendo. "Ngayon alam mo na kung bakit hindi ako nagpunta sa kasal mo? Because ayokong suportahan ang baluktot na pananaw ng iyong ina. Napakatigas ng ulo! Kinailangan pang gamitin ang sakramento ng kasal para sa sariling kapakanan. Tama ba namang iasa sa iyong mapapang-asawa ang pagpayag na magpaopera?" Napasapo ito sa kanyang sentido.

Kating-kati na ang dila ko na magsalita. Hindi ako makapaniwalang nasasabi niya 'yon sa harapan ni Tendo. At hindi naman makapagsalita itong katabi ko. Tila ba nagtataingang-kawali habang nagsasalita ang kanyang Auntie Glorietta.

"Magsalita ka, Tendo. Gusto kong marinig ang panig mo."

"I'm sorry po, Auntie. Hindi lang naman ho kagustuhan ni Mama lahat ng ito. Gusto ko din na maikasal bago magtrenta."

Seriously? Iyon lang ang masasabi niya? Pwede naman siyang magsinungaling at sabihing totoong mahal niya ko para lang hindi ako mapahiya. Nagmukha pa tuloy akong desperadang maikasal knowing that his reason is just to get married before he turns 30.

"Ikaw babae! Alam mo ba ang mga responsibilidad mo bilang asawa at parte ng Cortez businesses?"

"Selena ho ang pangalan ko." Hindi ko lang gusto na tinatawag akong 'hoy babae' lalo pa't maganda ang pangalang ibinigay sakin ng aking ama.

"Wala akong pakialam kung ano mang pangalan mo." Pinagtaasan ako nito ng kilay. "Kung hindi mo mapapangatawanan ang pagiging Cortez, pwes, leave. I don't need a rubbish here in our family."

Tumikom ang kamay ko. Chill, Selena. Chill.

"Ang kompanyang ito ay binuo ng mga kapatid ko. They died in plane accident that caused Cortez Global trouble. That's why, their sons are forced to take the place they left. At bilang nag-iisang Cortez na naiwan, it's my responsibility to take in charge in the sustainability and development of Cortez Global. At ayokong madungisan ito ng basta-basta dahil lang sa kapabayaan ng mga pamangkin ko."

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon