Chapter 4

3.1K 136 12
                                    

A/N: Third persona na po ang gagamitin ko sa part na 'to. Remove muna natin ang mindset ng pagiging si Selena hehe.

SPG alert.

4. Kasalan.

DUMATING sa oras si Selena suot ang kanyang magarbong wedding gown. It's really a wedding indeed. Isang business tycoon ang mapapang-asawa niya ngunit minabuti nito na gawing pribado ang tungkol sa magaganap na kasalan. Walang media at tanging pamilya lang ang kabilang.

Nasa pangalawang row ng upuan ang magpipinsang Cortez, habang katapat naman ng pwesto nila ang nag-iisang kaibigan ni Selena na si Henrietta. Inimbitahan niya ito dahil alam niyang wala siya ni isang makakausap oras na magtungo na sa reception. Hindi niya gusto ang makaramdam ng pagiging out of place.

Hindi maipaliwanag ni Selena ang kanyang nadarama noong makita ang ina ni Tendo nakaupo sa wheelchair habang abot-tainga ang ngiti na sinusundan siya ng tingin patungo sa altar.

I'm doing this for his mom and for my luxurious life. Iyon ang paulit-ulit niyang ibinubulong sa sarili habang naglalakad.

Nang makarating siya sa pwesto ni Tendo ay agad nitong hinalikan sa pisngi ang katabing babae nito—si Auntie Imelinda. Sinapo nito ang kanyang pisngi at saka nagsalita.

"I know you can take care of my son. Hindi ako mabibigo sayo, anak." Halata sa boses nito ang panghihina.

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Selena habang pinagmamasdan ang kaawa-awang sitwasyon ng ina ni Tendo. Malaki ang pinagbago ng katawan nito kumpara noong una silang magkakilala. Subalit ang hindi nagbago ay ang matatamis nitong ngiti sa kanya. And calling her anak really makes her heart flattered and overwhelmed. Pakiramdam niya ay nakatagpo siya ng pangalawang ina sa katauhan nito.

Niyakap ni Tendo ang kanyang ina bago nito ilahad ang kamay kay Selena upang humarap sa pari.

"Be good, son." Sabi ni Auntie Imelinda sa kanyang nag-iisang anak.

Tumango lang si Tendo at inalalayan na si Selena patungo sa altar. They are both not sure of what will happen next but still manage to look well-composed in front of others.

Sorry po, Lord. Bulong ni Selena sa kanyang isipan habang nakatingin sa imahe na nasa gitna ng altar. Humigpit ang kapit niya sa braso ni Tendo dahilan upang mapatingin ito sa kanya.

"You okay?" Bulong nito sa dalaga.

Tumango lang si Selena at napalunok.

Nang matunton nila ang altar at magsimula nang magsalita ang pari, tahimik lang silang nakikinig na dalawa. Ni wala silang pinasukan na seminar about sa nangyayari sa kasal, ang tanging ideya lang nila patungkol sa sakramentong ito ay ang pagsasabi ng 'I do', pagpapalitan ng singsing, at ang pagsasabi ng pari ng 'you may now kiss the bride'.

For short, salamat sa mga pelikula at teleseryeng napapanood nila. Dahil doon ay nagkaroon sila ng ideya kung anong nagaganap sa kasal.

"Pagkatapos nito ano ng gagawin natin?" Bulong ni Selena habang nagsasalita pa ang pari patungkol sa kahalagahan ng kasal. Ayaw niya rin namang pakinggan dahil hindi siya interesado. Ganoon din si Tendo na halatang tamad na tamad na sa buhay.

"Hindi ba't after ng kasal ay honeymoon ang susunod?" Nangingiting sabi ni Tendo sa mapapang-asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Selena. Kung pwede lang niyang tapikin ang braso ng katabi niya ay ginawa niya na. Kaya lang ay pari ang kaharap nila kaya't nagpapakabait siya.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon