Chapter 7

2.5K 111 2
                                    

A/N: Eto, totoong kakain na silang dalawa HAHAHAHAHAHA

7. Ang lunchdate ng mag-asawa.

SA ilang linggo na pagsasama namin ni Tendo ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpunta sa bar at uminom ng iba't-ibang klase ng alak. Ganon pa rin ako. Madali pa ring malasing. Pero may kaibigan naman akong laging nanjan upang umalalay sakin. Si Henrietta ang tinutukoy ko.

Naging successful naman ang operasyon ni Tita Imelinda. Ngunit kailangan niya pang manatili sa Australia dahil hindi siya fully recovered. Naalis na plaque na naging blockage that cause her arteries narrow, nagsagawa ng bypass to go past in that blockage and to improve her bloodstreams. Actually, masyadong komplikado ang operasyon ngunit masaya ko at nakayang itawid ni Tita Imelinda ng ligtas. I can't wait to see her again.

Speaking of Tendo, hindi pala madaling maging asawa ng isang sikat na business tycoon. Madalas akong mag-isa sa bahay dahil nitong nakakaraang araw ay naging abala siya sa pagpaplano ng itatayong Cortez Suits sa Canada. Lagi siyang wala sa bahay at kung minsan pa ay hindi ko na mapilit magbreakfast.

Kaya ngayong lunch time, I decided to come in his office and bring him some food. Spicy and garlic honey glazed breast chicken will do.

"Good afternoon, Mrs. Cortez!"

Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla akong batiin ng sekyu. How did he know that I'm the wife of one and only Tendo Cortez?

"Lasing na lasing ka kagabi nang bumalik sa Cortez Suits. Lucky me, naabutan mo ko sa main floor at walang pasabing hinalikan at sinukahan! Damn it! You--you....shit!"

Damn. I forgot about it. Matapos kasi ang insidenteng iyon ay hindi na ko muling nagpunta dito sa Cortez Suits dahil sa kahihiyan.

Anong masama? Eh, asawa ko naman si Tendo! Tama Selena! No need to worry about it. It's just a normal thing that married couple do.

Gaya ng dati ay hindi ko talaga ugaling kumatok pa. Kahit pa pinipigilan ako ng mga nakatoka sa front desk. Ang sabi ng babaeng nakasunod sakin ay may important meeting daw na nagaganap sa loob ng opisina ni Tendo. I don't care! Wife is more important duh!

"Hi!" Bati ko nang makapasok ako.

Naabutan ko ang apat na magpipinsan habang nakaupo sa mini living area ng office ni Tendo. Mukhang bad timing ako. They are all staring at me with a disappointed face. Hindi tuloy ako nakaalis mula sa pagkakatayo ko sa pintuan.

"Hays! Life saver." Narinig kong sabi ni Eliseo pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

Tumayo si Miklos. "I think that's enough for today. Let's all take a rest."

Napailing si Tendo at napasapo sa kanyang sentido. Tumayo naman ang tatlo at nginitian ako matapos daanan. Napansin ko ang pasa ni Stan sa gilid ng kanyang labi, gusto kong magtanong ngunit nahuli na ko, nakaalis na siya.

Lumakad na ko patungo sa pwesto ni Tendo. Umupo ako sa single couch na nasa gilid ng pwesto niya. Ipinatong ko sa center table ang bitbit kong paperbag.

"Ano bang nangyayari? Bakit mukhang----"

"What's this?" Bigla niyang hinablot ang paperbag sa lamesa at tinignan ang laman nito.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon