| closing |

3.6K 112 6
                                    

A/N: Sa huling pagkakataon, SELENA'S POV tayo mga sizmars.

Epilogue

After 6 years.....

"GOOD morning hubby!" Bati ko dito nang mapansin ang unti-unti niyang pagmulat ng kanyang mga mata.

Iritable nanaman siya. Siguro ay mag-iisang linggo na siyang gumigising na ganoon ang isinasalubong niyang itsura sakin. Well, hindi ko naman siya masisisi. Anim na taon na at ganoon pa rin ang dating Tendo na kilala ko. Hindi maitago ang inis tuwing binibitin.

"Breakfast is served!" Tinapik ko ang pwetan niya upang tuluyan na siyang magising. "Lumabas ka na jan at lalamig ang pagkain." Sabi ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto at isara ang pinto.

"Mommy!" Agad na sambit ni Dos nang lumabas mula sa kuwarto.

Binuhat ko naman siya at hinalikan sa pisngi. "Good morning baby!" Eversince, si Dos talaga ang early bird sa bahay na 'to. Palagay ko ay nakasanayan na ng katawan niyang gumising ng alas syete ng umaga.

Sabay kaming nagtungo sa hapag-kainan. Tinulungan niya kong ilagay ang spoon and fork sa bawat plato na nakahanda sa lamesa.

"Good morning mommy!"

Nang lingonin ko ang nagsalita ay bumungad sa akin si Uno na halatang kagigising lang.

Nilapitan ko siya at hinalikan din sa pisngi. "Good morning my cutie!" Hindi ko mapigilang panggigilan ang nakaumbok niyang tiyan.

Lumapit siya sa kakambal niyang si Dos na ngayon ay nakatunganga dahil hindi pa kami kumpleto sa lamesa. That's the rule.

"Mowning momwy." And here's Tres, ang bunso kong baby. Binuhat ko agad siya at tinadtad ng halik sa pisngi. Panay naman ang tawa niya sa ginagawa ko. Sa kanilang magkakapatid, si Tres talaga ang pinakabungisngis. Hindi siya mahirap patawanin.

Matapos ko siyang i-upo sa kanya high chair, inasikaso ko na ang pagkain nilang tatlo. Good thing, four years old na si Tres kaya't pwede na siyang kumain ng rice meals. Nakakasabay na siya ng pagkain samin.

Six years ago, sinabi ko kay Tendo na hindi po ko handang maging ina. But hell yeah! After just a month I found out that I'm pregnant with my twins; Uno and Dos. Turning one year old palang sila nang mapag-alaman kong buntis uli ako. At dumating na nga sa buhay namin ang napaka-cute na si Tres. My three boys got their father's eyes while the only thing they've got from me is my lips. Aside from that wala na dahil inangkin na lahat ng kanilang magaling na ama.

"Good morning my babies!" Masiglang bati ni Tendo nang magtungo sa hapag-kainan.

When it comes to our children, hindi maikakailang napapawi ng mga ito ng kusa ang pagka-bad mood niya. Awtomatikong nanunumbalik ang ngiti sa labi niya.

Nilapitan niya sina Uno at Dos at kapwa niyakap at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Morning my twins!" Bati niya sa dalawa.

Pagdating kay Tres at binuhat niya naman ito. Gigil na gigil na tinadtad ang bata ng halik sa leeg na agad nitong nirespondehan ng paghalakhak. Tuwang-tuwa sila pareho.

Tuwing ganito ang eksena sa umaga ay hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Noon ay kaming dalawa lang ni Tendo ang nandito sa bahay but now we have three kids. I never thought that it will very satisfying to have these kids and officially be called a parent.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon