Chapter 18

2.3K 94 6
                                    

A/N: Selena's POV again.

18. Ang eksena sa veranda.

PAGMULAT ko ng aking mga mata ay wala na ang magaling kong asawa. Nag-iwan lang ito notes sa side table ng kama. Maaga kong makikipagkita sa mga investors. Iyon ang nakasulat sa kapirasong papel. Nakakainis talaga minsan ang pagiging straight forward niya.

Inayos ko muna ang tiklop ng comforter bago tuluyang pumasok sa banyo at maligo. Gusto ko sanang gamitin ang bathtub ngunit hindi ko alam kung paano. I mean, I know na lalagyan lang 'yon ng tubig, but heto nanaman tayo sa mga kailangang pihitin o pindutin. For Pete's sake! Isa o dalawang gripo lang ang alam ko; for hot and cold water. But why the hell there's more than three faucet? Para saan ang mga iyon? Kaya ba kong higupin ng baththub pailalim ng lupa?

Right after a quick bath, tumawag ako sa customer service upang magrequest ng breakfast. Bale, tinuran ako ni Tendo kagabi kung anong numero ang para sa customer service and front desk. Ang sabi niya ay huwag akong mahiyang tumawag dahil trabaho nilang pagsilbihan ang mga guest. Pero sa gaya kong hindi naman sanay sa mga mamahaling hotel, mahirap mag-adjust lalo pa't hindi ako sanay na nag-uutos sa iba. I preferred to do things alone.

Gaya ng sinabi ng sumagot ng customer service, kinse minuto lang ay kumatok na agad sila sa kuwarto at dala na ang breakfast ko. Panay naman ang pasalamat ko bago tuluyang umalis ang dalawang babae na nagngangalang Sylvia at Celeste.

Fried meal at potato soup ang sinerve ng mga ito. Then there's also a hot chocolate. Nakakatakam!

"Hmmm." Napapikit nalang ako sa sarap.....ng pagkain syempre.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang pagkaing nakahain sa lamesa. I sent it to Henrietta through viber.

Henri my friend! Guess who's eating at a 5 star hotel? Lucky me! Iyon ang tinayp ko matapos magsend ng picture. Sa malamang eh hindi siya mamamangha sa nangyari sakin ngayon. She used to live in a 5 star hotel before, rented by a foreigner na akala niya eh seseryosohin siya. But it just happened na nagpakasal ito sa iba.

Matapos kumain ay binalak ko pa sanang hugasan ang mga plato gaya ng ginawa ko noon sa Cortez Suits noong isang linggo akong nakatengga doon habang pine-prepare ni Tendo ang kasal. Pero ngayon, hindi ko na gagawin pa uli 'yon. Parang ang lakas maka-tagabundok naman ng ganoong akto. Lalo pa't ang sabi ng dalawang empleyada ay kukuhanin nila ang pinggan makalipas ang isang oras.

Hindi ko hinugasan ang plato at baso, ngunit binitbit ko naman ito paglabas ko. Para pagtungo ko ng main floor ay iaabot ko nalang sa crew na makikita ko.

"Naku, ma'am." Isang lalaki ang bigla nalang umagaw ng dala ko. Nakasuot siya ng kulay asul na kamista at may disenyo itong mga bulaklak. Sa pagkakawari ko ay isa siyang empleyado. "Bakit naman ho dinala niyo pa 'to? Dapat po ay iniwan niyo nalang sa kuwarto at kukuhanin naman po ito ng naka-assign na empleyado sa kuwarto niyo."

Ngumiti ako at tinapik ang braso niya. "It's fine. Don't worry, walang kaso 'yon sakin."

Napakamot ito sa kanyang ulo. Ako naman ay nagpaalam na at nagtungo sa front desk.

"Good morning po!" Siya yung receptionist na kausap ni Tendo kahapon.

"Hi! Itatanong ko lang sana kung nasaan si Tendo ngayon."

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon