Chapter 19

2.3K 87 3
                                    


19. Ang naiwang trabaho.

TAPOS na si Tendo sa pakikipag-negotiate sa mga bago niyang investors. Ang buong akala ko eh mapapaga ang uwi namin ngunit hindi. May mga facilities pa raw siyang kailangang ayusin sa resort. Mukhang sinusulit niya talaga ang pananatili ng isang linggo sa resort.

Gusto ko nang umuwi. Iyon ang palagi kong binubulong sa aking sarili habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ang mga taong nagtatampisaw sa beach. Paano ba naman akong hindi nabuburyo sa apat na araw naming pamamalagi dito, eh madalas wala sa kuwarto si Tendo, ni hindi ko magawang magswimming mag-isa dahil ang boring niyon, at higit sa lahat wala akong makausap.

Hindi naman Hari o Prinsipe ng Pilipinas ang pinakasalan ko. Pero bakit ganito siya ka-busy?

"Hi."

Biglang sumulpot si Catharina sa harapan ko. Nakangiti. Hindi pa man ako nakakareact sa pagbati niya ay nakiupo na agad siya sa ilalim ng umbrella kung nasaan ako. May hawak itong lemonade.

Ngumiti lang ako.

"Boredom strikes?" Tanong niya nang ilapag ang suot niya hat. Hindi maikakalang maganda talaga itong manamit. Nakasuot siya ng hawaian romper na kung saan ay naka-expose ang kanyang flat-chested na dibdib.

"Ikaw din ba?" Binalik ko ang tanong sa kanya.

Malamya itong ngumit habang patango-tango. "I miss Manila so much." Then she zip the straw of her pure lemonade.

Nilingon ako nito mula sa pagmamasid sa paligid. "Hindi mo namimiss ang Manila?" Tanong niya.

"Namimiss." May panghihinayang kong sabi. "But one week without Tendo will surely killed me. You know? Mas mahalaga siya kaysa sa Manila."

Tumawa ito. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Napahawak pa ito sa kanyang bibig habang humalakhak. Weird.

"What's funny?" Tanong ko.

Sa wakas ay kumalma na rin ito. "Mukhang tama nga si Tendo. You're such an honest person. Sa totoo lang ay hindi ko kayang sabihin 'yan sa ibang tao. I mean, about my deep feelings towards a person. Ang awkward non for me."

"Ayoko lang magsinungaling."

Sumandal ito at bumaling ng tingin sa mga taong nagtatampisaw sa dagat. "Maybe that's the reason why he's considering you now."

Agad akong nabagabag sa sinabi niya.

"What do you mean?" Nagtataka kong tanong.

Malayo pa rin ang tingin niya nang magsalita. "I don't know, it's just that.....the way Tendo look at you, was the way he used to look at me when we're still inlove with each other."

Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa sinabi niya. Alam kong dapat ay maging mataray ang datingan ko ngunit ang sinabi niya ay talagang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Kung ganon, do you think pwede niya rin akong mahalin?" Muli kong tanong.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko masasagot 'yan. Hindi kasi masalitang tao si Tendo. You can just confirm it the way he act towards you."

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon