Chapter 22

2.4K 91 3
                                    

A/N: Who's coming back? Read.

22. Ang mga tagumpay.

PANAY ang kanta ko habang nasa loob kami ng kotse ni Tendo. Ilang oras na kaming nasa biyahe pabalik ng Maynila ngunit hindi ako nakakaramdam ng pagod at pagkabagot. Ni hindi ko nga namamalayan na magtatatlong oras na kaming nagbibiyahe. I really love the view. My husband's perfect face.

"Stop staring, wifey." Ni hindi ito lumingon nang sawayin ako.

"Bakit ba? Ang damot mo naman!" Pagkukunwari kong nagtatampo.

"Hindi ako makapagfocus sa pagda-drive knowing that my wife is looking at me like she wants to eat me whole." Nakangiti niya kong pinasadahan ng tingin.

"That's true." Bumalik ang tingin ko sa unahan. "I want to eat you." Nakanguso kong sabi.

Inabot niya ang kamay ko at pinisil. "Pag-uwi natin pag-usapan 'yan."

Awtomatiko akong napangiti. My husband really has a sense of humor. Alam niyo kung kailan ako pakikiligin at susuyuin.

"Hubby?" Since we're officially committed to eachother, I think it's the right time to ask him what bothers me.

"What is it, my wife?" Ang sarap pakinggan. My wife. MY WIFE. My means mine. I'm all his.

I hold his hand before saying a word. "Ganito ka rin ba kay Catharina noon? Sweet? Loving?"

Kalmado niyang iginawi ang manubela pakaliwa upang mag-take over sa isang jeepney na huminto upang magsakay ng pumarang pasahero.

"What do you think? I'm in a relationship so that's normal to show some sweetness and love, right?"

Tumango-tango ako. He's right. Pero masyado niya namang ni-literal ang tanong ko. I need some supporting details on how sweet and loving he was before.

"Wag na nating pag-usapan ang tapos na." Ani niya nang mapansing hindi ako kumibo sa isinagot niya. "We both have different path to take now. Ano man ang nangyari sa amin noon eh kailangang tuluyan nang isantabi upang pareho kaming maka-move forward sa present." Pinasadahan ako nito ng tingin at ngiti. "And my present is you."

"Isantabi? Hindi ba't dapat ay kalimutan na?" Usisa ko.

Umiling naman siya. "Hindi dapat ganon, wifey. May pinagsamahan kami ni Cath and breakup doesn't mean we need to hate eachother. Hindi naman ganoon kadaling itapon o kalimutan ang lahat."

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "So you're still in love with her, ha?" I crossed my arms and face the window side.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Cath was and still part of my life. There's no sweetness but there's love, a love for friend. And respect actually."

"Still inlove, Mr. Tendo Cortez?" Pag-uulit ko sa tanong ko.

"To her, no. But to you, yes."

I'm still not conviced. I tsked and did not bother to utter a word.

"Here we go again. Nag-aaway sa isang bagay na matagal ng tapos. Basta, sinabi ko na sayo ang dapat mong malaman. No explanations follow." Napakaikli talaga ng pasensya niya.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon