Chapter 3

3.4K 135 13
                                    

A/N: Sorry for late updates.

3. Ang preparasyon.

"SHUTANES! Nagbibiro ka ba, Selena? Kasal? As in ikakasal ka?" Hindi na matapos-tapos ni Henrietta ang kanyang pagpopostura habang panay ang lingon sa akin sa kasalukuyan kong pag-eempake ng gamit.

Magkasama kaming nakatira sa isang kuwarto. Mga apat na taon na rin siguro. Naisipan kasi namin na kapag dalawa kaming nakatira ay mas mababa ang rental fee. 50/50 ba.

At ngayon ay ikinukwento ko na sa kanya ang tungkol sa kasal na pinag-usapan namin ni Tendo kahapon. Bale, mamamalagi muna ako sa Cortez Suits habang hinahanda niya ang lahat; from wedding gown to reception. Hands on ang future husband ko no.

"Ayoko mang gawin pero kailangan, Henrietta." Pabato ang paglalagay ko ng damit sa maleta. "Kailangan ako ni Tendo. Kailangan niya ko para mailigtas ang Mama niya. Kapag kasi natagalan pa ang pagsasagawa ng operasyon ay baka hindi na kayanin ng katawan nito at bumigay na sa lalong madaling panahon."

"Saan mo ba kasi nakilala 'yang Tendo na 'yan? At kung gipitin ka eh akala niya naman mayroon siyang patago." Kumurap-kurap pa ito habang nakatingin sa salamin. Sinusubukan niya kung maayos na ba ang pagkaka-kabit ng false eyelashes.

"Mahabang kwento." Nagdikit ang labi ko.

Itinabi na ni Henrietta ang mga make up niya sa kulay berdeng pouch. Dumakwatro ito at ipinatong ang magkabilang kamay sa kama.

"Iyan ba ay guwapo? Baka naman nuknukan na ng tanda at hindi ka na mabigyan ng anak."

Napahalakhak ako sa sinabi niya. "Tumigil ka nga!" Ibinato ko sa kanya ang hawak kong bra.

Naku, Henrietta Roxas! Hindi ko masabi sa kanya na hindi nuknukan ng tanda ang lalaking iyon, kung hindi nuknukan ng guwapo at ganda ng katawan. Baka nga kapag nakita niya ay kainggitan niya ko ng husto eh.

"Eh bakit ba! Naniniguro lang no. Baka naman ginagamit lang niyan ang nanay niya para sakalin ka at ikulong sa piling niya. Baka tigang lang at gustong may permanenteng magromansa sa kanya gabi-gabi."

Lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang isang 'to oh. Pagdating sa kabastusan ay napakagaling.

"Ang bastos ng bibig mo!" Pananaway ko.

Tumayo siya at tinulungan na ko sa pag-eempake.

"Baka bukas ka pa matapos sa dami ng gamit mo."

"Hindi ko naman dadalhin lahat. Iiwan ko sayo yung iba dahil titigil na muna ako sa raket natin."

Tumango ito. "Kapag sinaktan ka ng pisikalan ng damuhong iyon ay sabihin mo agad sakin ha?"

Palagay ko ay hindi naman ganoong klase ng lalaki si Tendo. Siguro nananakit emotionally, but physically I think no.

Matapos mag-empake ay tuluyan na kong nagpaalam kay Henrietta. Magkikita pa naman kami after ng kasal. Pero hindi na kami magkikita araw-araw gaya ng nakasanayan.

Niyakap ko siya nang mahigpit at pinaalalahanang mag-ingat at huwag magdadala ng lalaki sa kuwarto namin. Kahit umoo siya, alam kong malabong mangyari 'yon.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon