11. May date si Tendo.AS usual, natengga nanaman ako sa bahay habang abala sa pagtatrabaho si Tendo sa Cortez Suits. Ganoon naman ang palaging routine dito sa bahay; aalis siya at maiiwan ako na uubusin ang oras kakaisip kung anong pwede kong gawin sa labing-limang oras na natitira.
Mabuti nalang talaga at free si Henrietta ngayong araw. Inimbitahan ko siyang pumunta sa bahay namin ni Tendo. Bonding time! Naisipan naming magluto, tutal naman ay madaming stock sa ref ngayon. I did the groceries, by myself. Walang oras si Tendo na samahan pa ko sa supermarket o kaya naman ay kahit ang samahan akong magluto sa kusina. Tsk. For short, wala kaming sweet moments together sa bahay na 'to. Except for sex. Hindi pwedeng wala. Oh God, Selena! Stop fantasizing!
Nakataas ang mga paa namin ni Henrietta sa sofa habang nanonood ng pelikula at kumakain ng nachos at bake mac.
"Kamusta ang business ni Boss Lorenzo?" Tanong ko. Ang boring ng movie kaya naisipan kong magbukas nalang ng topic na pwede naming pag-usapan.
"Iyon, okay naman. Madaming bagong pasok na babae." Ni hindi nito tinantanan ang pagkain ng nachos na umaapaw sa dami ng sauce.
"Kapag natapos yung deal namin ni Tendo na 'to, feeling ko hindi na talaga ko babalik sa pag-eescort."
Dumungaw ito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Seryoso ko Henri! Ayoko na ng ilegal na trabaho."
"At bakit? Dahil ba kay Tendo?" Agad niyang tanong.
Hindi ko ugaling magsinungaling sa kanya. "Sinabi ko naman sayo diba? Gusto ko na ang asawa ko. So, I'm changing myself to fit in on his standards."
"Kung talagang mamahalin ka niya, maging sino o ano ka man he will surely fall to you, girl!"
Tuwing sinasabi niya ang tungkol sa bagay na 'yon ay talagang natatauhan ako. Parang alarm clock na ginigising ang natutulog kong pagmamahal sa aking sarili.
Siguro kaya ako nagkakaganito ay dahil alam kong maraming babae sa paligid ang di hamak na mas maganda at mas sexy. Tapos ay mayaman at related pa sa business. Surebol! Pasok na pasok sa standards ni Tendo ang babaeng ganoon.
Dati ay sapat na sakin ang sinabi ni Tendo na 'being you is enough', pero simula nang dayain ako ng sarili kong puso ay dumami na insecurities ko sa katawan. Siguro sa ngayon ay nasa akin siya, eh pano kung bukas hawak na siya ng iba?
"Hoy, bruha! Ang telepono mo panay ang ring!" Natauhan ako sa lakas ng boses ni Henrietta. Mukhang sa lalim ng iniisip ko ay tuluyan na kong nawalan ng kamalayan sa paligid.
Sinulyapan ko ang pangalan ng caller sa screen ng cellphone ko.
Eliseo is calling.....
Akala ko naman ay kung sino.
"Naku! Tiyak ay wala lang magawa sa buhay niya 'yan." Hinayaan ko lang itong magring nang magring sa ibabaw ng center table.
"Ang ingay Selena! Sagutin mo na at baka mahalaga." Iritable na si Henrietta. Nag-eenjoy siyang manood ng mga documentaries, ako lang ang hindi.
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...