Chapter 12

2.4K 102 2
                                    


12. Ang pagbabalik.

GETTING ready for the Cortez Global's 34th anniversary is kinda exhausting. Ngunit nang bumungad sakin ang aking asawa ay biglang nawala ang stress ko. Ohlala! My husband looks good on his tuxedo; maroon and white combination really suits him well. His masculinity becomes more dominant. Oh God! I'm so lucky!

Pero! This guy is also lucky for dating me on the event. I'm pretty tho. Hindi nga makapaniwala si Henrietta na nakapagtransform ako from just a typical woman to a real pain in ass queen. Kahit papaano ay masasabi kong, bagay kami ni Tendo ngayong gabi.

Kanina ay napag-usapan namin na huwag munang pag-usapan ang mga nangyari kagabi. Mabuti nalang at mukhang kaya naman naming kalimutan panandalian ang tungkol doon.

Paglabas ng Mercedes-benz ay agad na inalalay ni Tendo ang kanyang braso sa'king kamay. I know he wants to show to the guests that he's a loving and gentle type of husband, though sometimes not. Especially when he dated someone on Cortez Suits. Cheaters go to hell!

"Is she here?" She's business-related, sa malamang eh nandito siya.

"Don't ruin the night because of your unreasonable jelousy."

"I'm just asking." Inirapan ko siya.

"She's not here. And I'm not looking forward to see her again." Agad na napawi ang tampo ko sa kanya. That's a good news! Hindi ko maiwasang isipin na may pakialam si Tendo sa nararamdaman ko. Ano ba kasi 'to? Ano ba kami?

"Just act natural." Bulong niya sakin nang biglang dumami ang mga taong bumabati at nakikipagngitian sa kanya.

Honestly, hindi naman ako kinakabahan sa mga bisitang makakasalamuha ko sa loob ng venue. Kung may dapat man akong ikabahala, iyon ay kapag nagtagpo na ang landas namin ng kanyang Auntie Glorietta.

"If I want to kiss you in front of them, is it okay?" I'm just kidding.

Pasimple siyang tumawa. "Stop acting horny, wifey. You know what will happen next if you continue that."

Nginitian niya ang mga taong nadadaanan namin. Parang artista kung umasta.

"Well, mukhang mas gusto kong ipagpatuloy."

Sinamaan ako nito ng tingin. "Ayoko pang umuwi ng maaga. It's a must to entertain the guests."

I can't believe that we're talking about this topic while walking inside of the venue. Ganoon na ba ka-normal sa amin na pag-usapan ang mga ganoong bagay?

"Isn't it weird that we're talking about this damn thing while in a public place?" Tanong ko.

Hinalikan ako nito sa pisngi. "Sino bang nauna? You naughty!"

Biglang nagflash ang camera sa gilid namin. Ngayon alam ko na para saan ang halik na 'yon. For media purposes.

Umasa ka nanaman, Selena!

Pagpasok sa loob ay sumalubong sa akin ang enggrandeng disenyo ng venue. Nakakasilaw ang mga palamuting pinagbibidahan ng mga kulay gold, silver, and white. It feels like I'm in a royal palace. Ako si Cinderella at kasama ko ang aking guwapong prinsipe.

"Hi there, Tendo." Nakipagkamay ang isang lalaking nakasuot ng puting tuxedo at may hawak na glasswine sa asawa ko.

"Hey! Mabuti at nakapunta ka."

"Yes of course! Cortez Global is a priority." Nagtawanan silang dalawa na akala mo eh may nakakatawa talaga sa sinabi noong lalaking 'yon.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon