2. Ang muling paghaharap."JAN ka na ba titira, Ms. Baliestero?" Tanong ni Miklos habang napapakamot sa ulo niya. Tulala kasi ako habang nakadungaw sa malaking sign board ng luxury hotel.
Napailing ako at panandaliang inalis sa aking isip ang napakaraming tanong tungkol sa apelyidong Cortez. Familiar. Parang may Cortez nang dumaan sa buhay ko noon. Hays. Panigurado ay literal na napadaan lang ang taong 'yon dahil hindi ko na siya maalala ngayon.
Lumabas ako sa kotse at lumapit kay Miklos. Si Stan naman ay kausap ang isang guard na siyang pinagkatiwalaan niyang igarahe ang mamahalin niyang Mercedes-Benz.
"Aish! Ang daming ebas ng isang 'to." Reklamo ni Miklos habang nakatingin sa pwesto ni Stan. Mukhang madami itong habilin tungkol sa oto niya.
"Ahmm, magbabanyo lang ako." Paalam ko kay Miklos.
Umiling ito. "Tiisin mo na muna 'yan."
"Ano? Nababaliw ka na ba?" Hindi ako makapaniwala. Bakit ba ang hirap lusutan ng isang 'to? Ay! Pulis nga pala siya. Pulis nga ba?
"Sermonan mo muna iyang pantog mo. Sabihin mo ay wag munang maglikot dahil may mas importante pa sa kanya."
Inirapan ko siya sa inis ko.
Hindi ako makapaniwalang nakakulong ako ngayon sa dalawang lalaking ito.
"Hey! Hey! Hey!" Isang lalaki ang biglang umakbay kay Miklos. Kulot ang buhok nito at kumpara sa kanilang dalawa ni Stan, mas bata itong tignan. Ganoon din ang pananamit niya, naka-formal attire ngunit bitin naman ang pantalon.
"How's the operation?" Napatingin ito sakin. "Are you Selena with no surname?"
"No surname?"
Abot-tainga ang ibinigay nitong ngiti. "Hmn. Selena lang kasi ang natatandaan ng damuhong iyon. Iyan tuloy! Nahirapan kaming hanapin ka."
May pinagsabihan ako ng tunay kong pangalan? Kailan pa?
Binatukan siya ni Miklos. "Nahirapan AKONG hanapin siya! Buhat-bangko ka nanaman, Eliseo Cortez."
Isa pang Cortez?
Muling umakbay ang lalaking katabi ni Miklos sa kanya. "Ikaw naman! Syempre kapag babe time, babe time. Mahirap kalabanin ang puso, insan."
"Babe time mo mukha mo!"
Nagtatalo na silang dalawa ngayon. Okay. Pagkakataon ko nang,
"Let's go, No surname." Bigla akong inakbayan ni Stan at kinaladkad papasok ng hotel.
Mukha akong nawawalang tupa sa gitna ng kawalan. Halos tignan ko ang buong sulok ng enggrandeng hotel habang hawak ni Stan ang kamay ko. Nasa langit na ba ko? I mean, the whole place looks magnificent. Halata naman siguro ang pagkamangha ko dahil nakabuka na ngayon ang bibig ko.
"Good afternoon, Sir Stan." Bati ng receptionist na nakasuot ng formal attire.
"Good afternoon, Sir Miklos and Sir Eliseo." Binati niya rin ang dalawang lalaki sa likuran ko. Wow ha! Ano to? Suki sila dito kaya kilala na sila agad?
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...