Chapter 6

2.8K 119 5
                                    


6. Away mag-asawa.

NAPABANGON ako sa kama at kinusot ang aking mga mata. Kumikirot ang sentido ko at parang may gumegewang pa ang paligid ko. Umaga na. Base sa orasan na nahagip ng aking mga mata ay alas nuwebe na. 

Ano bang nangyari at ganito ang pakiramdam ko?

"Mabuti naman at gising ka na." Boses 'yon ni Tendo. He crossed his arms and stare at me like I did something wrong to him.

Base sa nakikita ko ay naka-plain gray tshirt lang siya at boxer. Kahapon ay alas otso siya ng umaga umalis at nagreklamong male-late na raw siya. Hindi ba siya papasok sa work ngayon?

At isa pa, ang sama ng tingin niya sakin eh siya nga itong may ginawang kasalanan kahapon. Hinayaan niyang umalis ako na masama ang loob. Salbaheng asawa!

Tinignan ko ang damit ko. I'm still wearing it. It means, walang nangyari. Oh. Thank God!

Bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa banyo at agad na naghilamos at nagtoothbrush.

Hindi ko siya papansinin! Manigas siya!

Paglabas ko ng banyo ay nagpunta naman ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Pumasok din sa kusina si Tendo.

"Bakit hindi ka umiimik? Hanggang ngayon ba eh may tama pa rin 'yang utak mo kaya wala ka pa ring maalala?"

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagtungo ako sa sala at binuksan ang TV. Komportable akong naupo sa couch. Hinigop ko ang kape sa aking mug at ipinatong muna ito sa center table.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?"

Napatingin na ko kay Tendo dahil sa sinabi niya. Sorry? Ang kapal naman ng mukha niya para hingin sakin ang salitang 'yon!

"And why would I?"

Ngumisi ito at napahimas sa kanyang baba. "Trying to act innocent? Fine, Selena!"

"Hindi kita maintindihan. Ano bang ginawa ko kagabi at hindi matahimik 'yang bunganga mo?"

Lumapit siya sakin at siniil ako ng isang halik. It only last for about 2 seconds. But it feels good. Nah! Humaling na humaling ka nanaman!

"Why did you----"

"You did that in front of my employees! Lasing na lasing ka kagabi nang bumalik sa Cortez Suits. Lucky me, naabutan mo ko sa main floor at walang pasabing hinalikan at sinukahan! Damn it! You--you....shit!"

Oh no. Ginawa ko ba talaga 'yon? Last time I check, sumasayaw lang ako sa club at sinabi ko pa nga na ako bahala sa mga drinks nila. And the rest was a messed. Hindi ko na maalala.

"And fvck! Tignan mo naman 'yang suot mo. You're inviting a rapist to have sex with you! Even some stupid strangers nearby. Bakit? Because you're used to it?"

Grabe na siya magsalita. He's hurting me emotionally, deeply.

"Kasi ganon ang tingin mo sakin. After knowing my job, iyan na ang naging tingin mo sakin." Kinuha ko ang mug sa table at nagtungo sa kuwarto.

CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon