A/N: SPG. Oy mga abangers! HAHAHAHAHA Oh siya! Heto na. So, this chapter is in Third Persona again. MY POV everyone.
20. Ang kayang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.
NASA loob ng banyo si Mr. Gosongwei. Naliligo. Habang si Selena naman ay nakaupo sa king-sized bed na may makapal na puting comforter. Kinakabahan at balisa. Pumayag siya sa kondisyon ng matandang lalaki na angkinin siya ngayong gabi at pagkatapos ay hindi na ito aatras pa sa pag-iinvest sa Cortez Global. Natatayang 500 million ang investment nito sa kompanya, kung kaya't malaking kawalan talaga siya oras na mag-back out ito bilang investor.
Wala sa sariling kinuha ni Selena sa bulsa ng kanyang maong shorts ang cellphone na kanina pa siya nangangating hawakan. Tatawagan niya si Tendo. Gusto niyang makausap ang kanyang asawa bago ito gumawa ng isang kahabag-habag na desisyon.
"I'm on my work, Selena. Hindi pa kami tapos sa planning ng renovation." Agad na salubong ni Tendo sa kanya nang sagutin ang telepono.
Pinipigil ni Selena ang kanyang mga hikbi. Ngunit ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ay sadyang mahirap pigilan. Hindi niya gusto ang mga susunod na lalabas sa kanyang bibig. Hindi niya ito ginusto.
"G-gusto ko lang s-sabihin na....na l-lahat gagawin ko p-para sayo. K-kasi mahal kita." Napahawak ito sa kanyang bibig bago pa man marinig ni Tendo ang pagpapakawala niya ng hikbi.
"What's with that drama? One hour nalang at uuwi na rin ako. Are you hungry? Go on, mauna ka ng kumain." Iritableng sagot ni Tendo. Pagod na siya at gusto na niyang matapos ang pagpaplano sa renovation.
Imbes na sumagot ay pinutol na ni Selena ang linya. Hindi na niya kayang marinig pa ang boses ng kanyang asawa. Mas lalo lang siyang nandidiri sa kanyang sarili pagkatapos ng gabing ito.
Aalis na ko at hindi magpapakita pa. Sa mga oras na 'to ay buo na ang desisyon niyang sumuko na sa laban. Tinatanggap na niya, na hindi kailanman maaabot ng isang dukhang gaya niya ang bituin na pinipilit niyang abutin. Hindi sila magkakatuluyan ng lalaking minamahal at tinitibok ng puso niya.
Tendo deserves someone unstained. Hindi sa kagaya niyang madudungisan na ng ibang lalaki.
Makalipas ang labing-limang minuto ay lumabas na si Mr. Gosongwei sa banyo. Nakatapi lang ang ibabang bahagi nito ng tuwalya at nakalabas ang naka-umbok na tiyan.
"Gusto mo bang patayin natin ang ilaw para sa mas exciting na sensational effects?" Nakangiti ito na para bang gigil na gigil nang hawakan at maangkin ang kaawa-awang katawan ni Selena.
Hindi kumibo si Selena. Nakayakap lang siya sa kanyang sarili habang panay pa rin ang iyak. Kung papipiliin siya sa mga oras na 'to; ang mamatay o ang hayaan ang matandang lalaki na angkinin ang kanyang katawan, mas pipiliin niya nalang bawian ng buhay ngayon din.
Nang hawakan ni Mr. Gosongwei ang kanyang braso ay saka ito natauhan at agad na tumayo. Nanginginig ang mga kamay niya nang tumikom.
"What's your problem? Hindi ba't ito ang usapan?" Galit na si Mr. Gosongwei. Binibitin siya nito sa kasabikang nadarama niya ngayon.
"T-teka lang! H-hindi ko kaya." Lalakad na sana si Selena palabas ngunit agad siyang nahabol ng matandang lalaki.
Walang awa siyang itinulak sa kama at pinaibabawan nito. Napasigaw siya sa takot. Mas lalong tumindi ang kanyang pag-iyak at pinipilit kumawala sa nakakasuklam na bisig ni Mr. Gosongwei. No one can help her. Nakabantay ang dalawang bodyguards ng matandang lalaki sa labas ng cabin. Wala na siyang kawala. Kahit magpumiglas siya ay hindi maikakailang mas malakas si Mr. Gosongwei kumpara sa kanya.
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romansa[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...