A/N: This is gonna be THIRD PERSON POV. My POV everyone.
25. Pamilya at pag-ibig.
HINDI na nakasagot si Tendo nang marinig mula kay Selena na patungo ito sa La Plaza. Ang lugar kung saan nakatayo ang mansion na pagmamay-ari ng mga Cortez, ang bahay na pinagsimulan ng kanilang angkan. Ngayon ay ang kanyang Auntie Glorietta at ilang mga kasambahay nalang ang naninirahan dito, but knowing that his mom invited Selena for a talk in Cortez mansion where his Auntie Glorietta used to live, it's a huge trouble.
Pagtungo ni Tendo sa main floor ay agad siyang natigilan sa paglalakad nang makita si Henrietta, mukhang hindi maganda ang mood at nakasimangot. Gaya ng inaasahan ay lumapit ito sa kanya.
"Nasan si Selena?" Agad na tanong nito sa kanya nang lumapit.
"She's with my mom." As usual, ang tugon ni Tendo ay palaging direct to the point. Malamig din ang pakikitungo nito sa kausap. Maybe because he's not comfortable talking with other girls, expect from his wife.
Nagpatuloy na ito sa paglalakad habang si Henrietta naman ay nakasunod sa kanya.
"Hays. Yayayain ko pa naman sana siyang manood ng sine." Napapadyak si Henrietta sa panghihinayang. Namasahe siya para sa wala.
"Pinsan!" Nananakbong lumapit si Eliseo patungo sa pwesto ni Tendo at Henrietta. May hawak itong cellphone na agad ipinakita kay Tendo ang natuklasan. "Look at that. Hindi ba't sa mansion kuha ang litrato na 'yan?"
It's a photo of their mom together with Stan's mother. They captured a good moment together with their wackiest pose.
"What are they planning?" Tanong ni Tendo sa kawalan.
"This is ridiculous!" Hindi maipinta ang mukha ni Miklos nang lumapit sa kanila. May hawak din itong cellphone.
"You saw the photo?" Tanong ni Eliseo.
"No. My mom called me, she's in the Philippines and heading upon La Plaza."
Kumunot agad ang noo ni Eliseo sa narinig mula sa kanyang pinsan. "You mean, Auntie Michelle?"
Sinamaan naman siya ng tingin ni Miklos. Ano ba naman kasing klaseng tanong iyon? Sino pa ba ang ina ng nag-iisang Miklos Cortez? Malamang ay si Michelle Cortez lamang.
"What's going on? Bakit naisipan nilang magpunta nang sabay-sabay sa mansion?" Si Miklos ang nagtanong.
"Mom invited Selena to come." Ani Tendo na napasapo sa kanyang batok.
"They will surely burn Auntie Glorietta to death." Iyon agad ang pumasok sa isip Eliseo. Of course, their Auntie Glorietta hates Selena. And hating Selena means she's not fully welcomed by the family members.
"Kung may balak kayong pumunta, go. Huwag niyo na kong idamay." Pangunguna ni Miklos.
"At bakit?" Natatawang tanong ni Eliseo.
"You know my mom. She's very....ugh! Hindi ko alam basta malala siya!"
Tuluyan nang humalakhak ng tawa si Eliseo. Si Tendo naman ay bahagyang nangiti.
"Wait lang ha?" Sumabat na si Henrietta na naguguluhan mula sa mga narinig. "Di ko kasi magets eh. Bakit naman kailangan pa ang approval ng tinatawag niyong Auntie Glorietta eh she's just your aunt. Siguro mas reasonable pa 'yang sinasabi niyo kung ina ni Tendo ang may ayaw kay Selena."
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...