A/N: Want to grasp Tendo's feelings? Well, this is all for you. TENDO'S POV everyone.
Again, TENDO'S POV.
27. Usapan ng mga lalaki.
NASA Barcoholic na ang tatlo kong magagaling na pinsan nang dumating ako. May isang bote ng Aged Rum ang nakatengga na sa lamesa at wala ng laman. Sumenyas ng pagkaway si Stan nang makita kong papalapit na sa pwesto nila. Ngumisi lang ako bilang pagbati. Wala ako sa mood ngayon upang magsaya. But because my wife is having a great time with her friends, heto ko, napilitang sumama sa mga pinsan kong ugok.
Napabuntong-hininga ako nang umupo sa leather couch sa tabi ni Eliseo.
"Mukhang hindi maganda ang mood mo pinsan ah!" Panunukso ni Eliseo habang hawak-hawak ang isang baso ng panibagong bote ng Aged Rum.
Napahilamos ako sa mukha gamit ang aking palad. Sinamaan ko ng tingin ang magkatabing si Miklos at Stanilo. "Bakit ba kasi hindi niyo ikulong 'yang mga girlfriend niyo nang hindi na makaperwisyo?"
Nagkatingin ang dalawang nagmamaang-maangang nilalang sa harapan ko.
"Last time I checked, wala naman akong girlfriend." Pumait ang mukha ni Miklos ng lagokin ang natitirang alak sa baso niya.
"Me too." Nagkibit-balikat pa ang magaling na si Stan.
Ang dalawang ito talaga. Kahit kailan ay napakagaling magsinungaling. Well, ganoon din naman ako dati. Pero hindi na ngayon. Nahihirapan na kong kontrolin ang sarili ko simula nang makaramdam ako ng kakaiba kay Selena. She changed me, for someone that I don't even know really exist.
"Henrietta and Thalia was in my house, together with Cath." Sumenyas ako ng isang baso sa waiter na nakasalubong ko ng tingin.
"Really?!" Bahagyang lumaki ang mga mata ni Stan sa sinabi ko. That sarcastic reaction answers all my speculations. He knows that these girls will come and visit my lovely wife.
"Halatang-halata ka naman." Sabi ko at inabot na ang basong dala ng waiter. Nagsalin agad ako ng Rum at agad itong inubos sa isang lagokan.
"Tell me, how did you convince these girls to suddenly make a visit?" Tanong ko sa seryosong tono.
Tumawa naman si Eliseo na nakaagaw ng atensyon naming tatlo.
"Hindi ko na kaya!" Tinapik nito ang kanyang hita at halos mamilipit na sa sakit ng tiyan sa katatawa. "Just say it, Stan!" Dagdag pa nito sa gitna ng paghalakhak.
Kumunot ang noo ko kapag pinapanood itong nagwawala na sa katatawa. Eliseo! Pinapatay ko na siya sa isip ko.
Si Stan naman ay pangiti-ngiti lang habang si Miklos ay walang kaideya-ideya sa usapan ng dalawa.
"Are you gonna say it or I'll gonna ban you in Cortez Global....for good."
"Fine I'll tell you!" Agad na sagot ni Eliseo habang pinapaklama na ang sarili. "Kasi----" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil may second round pa ang kanyang paghalakhak.
"Okay! I'll tell you." Sabi ni Stan habang nakangiting nakatingin kay Eliseo. They're both crazy! "Kasi hindi mo sinasagot yung cellphone mo. Nagpunta ko sa bahay mo and unfortunately ni hindi niyo ko pinagbuksan ng gate."
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...