A/N: SPG. Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon! Charot! Hindi pa nga bente may SPG ng nalalaman.
9. Ang damit sa banyo.
PAGPASOK ko ng banyo ay bumungad nanaman sakin ang mga pinaghubarang damit ni Tendo kanina sa trabaho. Paulit-ulit ko na siyang pinapaalalahanan na ang basket ay nasa tabi lang pinto pero hindi pa rin siya makaalala. Palagi niyang kinakalimutan ang lahat ng sinasabi ko.
Tignan mo ang damuhong 'yon, maaga ngang umuwi ngunit umalis din upang magpalit ng damit. Mayroon daw kasi silang reunion ng mga college friends niya. Nagbabakasakali siya na baka may mai-date siya sa mga iyon. Sana ay puro lalaki ang dumating. At kung may babae man, sana ay kasal at may mga anak na ang mga ito.
Inilagay ko sa basket ang marumi niyang mga damit. Pagkatapos ay saka ko naghilamos at nagtoothbrush.
Nagtungo na ko sa kuwarto at binuksan ang aircon. Then, I sit on the bed and apply to my skin my favorite papaya lotion. It's already 8pm at hindi pa ko inaantok.
Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Henrietta.
"Nakalaloka ka girl, may raket ako ngayon!" Halatang pabulong ang kanyang pagsasalita.
"Eh bakit sinagot mo pa?"
"Eh baka urgent eh! Yayayain mo ba kong mag-nightclub? Well, pwede naman akong umalis agad dito." Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. Pagdating sa libreng alak ay palaging ginaganahan.
"Walang nightclub ngayon. Pinagalitan nanaman ako ni Tendo. Sinita niya ang suot kong damit at sinermunan ako patungkol sa pag-inom ng alak."
Hays. That night was awful. Ni hindi ako nakarebat sa mga sinabi niya because napagod ako kasasayaw at madami-dami din ang nainom ko. Ang tanging natatandaan ko lang ay binuhat niya ko palabas ng kotse ni Eliseo at pabatong ibinaba sa kama. Parang sako ng bigas na biglang binitawan dahil sa kabigatan. Grrr. I hate him! Mabuti nalang at malambot ang kama namin, kung hindi ay baka nanakit na kasu-kasuan ko paggising. Pagkatapos naman niyon ay parang machine gun na ang bunganga niya. Sa katamaran kong makinig ay naisipan kong tulugan nalang siya at ipagpabukas nalang ang usapan.
Guess what? Paggising ko ay nakapasok na sa trabaho ang magaling kong asawa. Hindi nanaman nag-almusal ang loko. Pagkatapos ay maaga ngang nag-out sa trabaho pero umalis din naman agad. What a life!
Ang swerte ko diba? May asawa 'kong bato!
"Eh baka concern lang sayo." Tugon ni Henrietta.
Umiling ako. "Concern siya sa image ko bilang wife niya. Pero sakin? Isang malaking NO!"
Totoo naman eh. Sa malamang mas lalo niya kong paghihigpitan pagdating sa pananamit ko dahil dumating na ang kanyang pinakamamahal na Auntie Glorietta.
"Malay mo naman diba? Eh naku! Nandito na ang kikitain ko, babush na!"
Napatingin nalang sa screen ng cellphone ko. She cut it out.
Lumabas ako mg kuwarto at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng coffee with my favorite creamer. Pagsalin ko ng mainit na tubig ay napatulala ako habang hinahalo ito gamit ang spoon.
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...