24. Ang pamilya Cortez.PASADO ala una ng tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tita Imelinda. She invited me for a talk. Pumasok na sa trabaho si Tendo at wala din naman akong ibang gagawin kaya naman umoo agad ako sa paanyaya nito. She texted me the place where we will meet this afternoon then nagbihis at inayos ko na agad ang sarili ko.
Sinabi ko sa taxi driver ang address then I let him bring me there.
Habang nasa biyahe ay biglang tumawag si Tendo. Mukhang namimiss na ata agad ako. Well, 5 hours na kaming hindi nagkikita at kahit ako kay mamamatay-matay na kaiisip kung ano nang ginagawa niya. Gusto ko siyang puntahan sa Cortez Suits ngunt alam kong busy siya ngayon at ayokong makasagabal sa schedule niya.
"Hello, hubby." Bungad ko nang sagutin ang call.
He clears his throat before saying a word. "How's my wife?" Tanong nito.
"I'm fine. Eh kamusta naman ang asawa ko? Busy ka ba sa work? Did you eat your lunch?" Napatingin ako sa rear-view mirror ng taxi. Nangiti ako nang mapansing natatawang nakatingin sakin ang driver. Nakakahiya pala ang magsalita ka sa public patungkol sa kamustahan niyo ng asawa mo. It's new to me.
"Yeah. There's so much on my table today. By the way! I have a good news. Naalala mo yung investors from Cortez Resort? Not that bastard Gosongwei, ha?"
Umayos ako ng upo. "Oh? What about them?"
"They agreed to invest half a billion in Cortez Global! And the Cortez Suits that will be built in Canada? Tuloy na tuloy na talaga!" Halata sa boses niya ang pagkagalak.
"Oh! I'm so happy for you hubby!"
"Thank you, wifey. But it saddens me somehow. You know? I'll be having a busy schedule these coming days."
Nalulungkot din naman ako. Pero nang piliin kong mahalin si Tendo, alam kong may mga bagay patungkol sa kanya na pwedeng magbago at hindi na pwedeng magbago. Cortez Global will always be a priority. And I totally understand it. That company was built by Tendo's father with the help of Stan, Miklos, and Eliseo's father. It was made by hardworks. At ayokong pabayaan ni Tendo ang kompanya just because I want him to give me his full attention. Gaya nga ng sinabi ko noon, 'what makes him happy, makes me happy too'.
"Bakit parang maingay ata diyan sa place mo? Nasa biyahe ka ba?" Tanong niya. Well, ibang-iba nga ang tunog ng mga nagdadaanang sasakyan kumpara sa napakatahimik niyang opisina na akala mo eh nakatirik sa gitna ng disyerto.
Napasulyap ako sa bintana ng taxi. "Yeah. Niyaya ako ng mommy mo na makipagkwentuhan sa kanya. Guess what? I'm going to your family house!" Na-excite ako bigla.
"You mean in Restro Village?"
Napatanong ako sa driver patungkol sa address na sinabi ko kanina. Hindi ko naman kasi tinandaan. Basta ang ipinakita ko lang sa kanya atsaka niya inilagay sa search box ng waze.
"Hindi daw Restro Village, hubby. Sa La Plaza Subdivision daw."
"La Plaza?!" Bigla nalang tumaas ang boses niya kung kaya't nailayo ko nang bahagya ang cellphone sa tainga ko.
"What's wrong?" Nagsalubong ang kilay ko nang magtanong. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
CORTEZ 1: The Boss [COMPLETED]
Romance[R-18] Matured content. Tendo Cortez. After hauling Selena Baliestero in a nightclub and suddenly shared a spectacular experience in bed for a night, world becomes complicated than it was. Unexpectedly, what follows after is something they're both n...