Chapter 34

4.9K 47 0
                                    

Yaz feel be like

Wala na kaming oras para mag-usap,
Lalo pa may problema kaming kinakaharap,
Gusto ko na buksan ang usapin na iyon,
Pero sa nakikita ko malabo sa ngayon.

Bihira na rin kami magkasama dalawa,
Sa ospital may kanya kanya kaming ginagawa,
May food poisoning pang nagaganap,
Wala na kaming panahon para mag-usap.

Sabay kami muling umuwi, nagtanong ako,
Kung puwede ba doon ako sa tinutuluyan ko,
Ayaw ko raw ba s'ya kasama, tanong pa n'ya,
Hindi magawang sabihin ang iniisip ko sa kanya.

Naabutan namin si Heurt at Dainty sa penthouse n'ya,
Si Dainty halata sa amin ay nahihiya,
Si Maxrill ay hinintay namin para sabay kumain,
Naupo ito at si Dainty ay hindi napapansin.

Si Dainty ay natulala sa kanya,
Sino raw ito tanong pa n'ya?
Tinanong kami ni Heurt, ang kasal ay kelan,
Sumagot ako na hindi pa namin napag -usapan.

Ramdam ko ang tingin ni Maxwell sa akin,
Hanggang naging awkward na usapan namin,
Ganoon pa rin ang sitwasyon sa ospital kinabukasan,
Problema ni Maxwell mas nadagdagan.

Uuwi na sana kami ni Maxwell kinagabihan,
Pero may pasyente na hindi inaasahan,
Nagulat ako nang bigla s'yang mag-aya,
Dinner date kami pagkatapos n'ya mamaya.

Dumiretso ako sa penthouse n'ya at nakatulog,
Nagising ako nang cellphone ko ay tumunog,
Yaz Del Valle ang tinawag ng caller sa akin,
Napabangon ako at nagsimulang kumilos na rin.

Nang makarating ako don ay wala pa s'ya,
Kaya matiyaga akong naghihintay sa kanya,
Hanggang si Maxrill ay lumapit sa akin,
Sasamahan n'ya raw akong kumain.

Hindi na raw darating ang kuya n'ya,
Tinawagan pa n'ya si Keziah,
Bakit ba lagi na lang n'ya ko sinasalo,
Kapag si Maxwell ay hinihintay ko.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon