MAYROON NG KAPALIT

515 10 0
                                    

Yaz feel be like

Ayos na at masaya na s'ya,
Ako ay nakalimutan na n'ya,
Mabilis pala akong kalimutan,
Sabagay nararapat akong palitan.

Dahil ako ang nanakit,
Tama lang makaramdam ako ng sakit,
Sana nahanap na n'ya ang para sa kanya,
Hangad ko ang kaligayahan n'ya.

Pupulutin ko na ang pira-piraso,
Nitong aking puso,
Susubukan na magsimula ulit,
Tatanggapin na ako ay mayroon ng kapalit.


Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon