MAXWELL AND YAZ MOON

446 6 1
                                    

Isang babaeng makulit,
Isang lalaking masungit,
Sila ay isang kuya at isang ate,
Pareho silang dalawa na maarte.

Dalawang pa simpleng nag-aaway,
Pero sa isa't isa takot mawalay,
Pareho nilalaman ng damdamin,
Hanggang sa isa't isa ay inamin.

Parehong nasaktan,
Pareho puso nila ay nasugatan,
Bago isa't isa ay nakilala,
Sa isa't isa ay nakalaan pala sila.

Bago nakamit ang kasiyahan,
Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan,
Isa't isa ay hindi nila kaya mawala,
Kaya silang dalawa muling nagsimula.

Sa saglit na pagkakalayo,
Puso nila ay nanuyo,
Mga kamay magkahawak ng mahigpit,
Pagmamahalan nila ang s'yang humigit.

Sa buhay n'ya ay ayaw na s'yang pakawalan,
Babaeng pinangarap at mahal ay pinakasalan,
Babaeng nariyan palagi at hindi sumuko,
Sa kanilang pagkakabalikan tinupad na ang pangako.

S'ya ang panganay na anak ng mga Moon,
S'ya lang ang natatangi n'yang lalaking Moon,
Minsan nang binitawan pero hindi n'ya kaya,
Mahal n'ya ito at gagawing Moon n'ya.

Nagpakasal sila at naging iisa na kanilang apelyido,
Maxwell at Yaz Moon kung magmahal ay todo,
Biniyayaan sila ng anak ito ay kambal,
Bunga ng kanilang walang kapantay na pagmamahal.

Pagmamahalan nila ay sinubukan,
Isa't isa ay hindi nila sinukuan,
Love without limits,
Sa puso nila ang s'yang humigit.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon