Maxwell feel be like
Simula ngayong gabi,
Hindi ka na makakatabi,
Ramdam ang iyong pagkawala,
Sa 'yo ngayon ay nangungulila.Naaalala noong ika'y nakakasama,
Walang kasingsaya ang nadarama,
Naaalala sa tuwing sinusundan mo,
Mga mata na walang patid sa pagsamo.Nangungulila ngayon sa iyong yakap,
Naaalala kung kelan ako nag-umpisang nangarap,
Na makakasama ka na sa aking pagtanda,
Natalo tayo ng kasinungalingan at pagdududa.Nangungulila sa iyong paglalambing,
Mangangarap na lang na ika'y muling makakapiling,
Gagawin lahat upang pagmamahal ko ang mangingibabaw,
Sana sa aking paghilom sa akin 'di ka pa bumibitaw.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...