LOVE WITHOUT LIMITS
Handa nang ilabas ang aking emosyon,
Emosyon na aking naging inspirasyon,
Para mas ipagpatuloy ang aking propesyon,
Handa nang mahalin ka na walang limitasyon.Aking buhay ay hindi ordinaryo,
Pero hindi kaya na magkalayo tayo,
Matagal nang alam sa puso, ako ay para sa 'yo,
Asahan lahat ng sa akin ay iyong iyo.Mga pangarap ko ay unti unti ko nang nakakamit,
Sa buhay ko ay hulog ka nang langit,
Mahal kita, malaya ko nang nasasambit,
Ating pagmamahalan ay love without limits.LOVE WITHOUT BOUNDARIES
Pusong umasa at nasaktan,
Kelan ka malilimutan?
Puso kong ito kelan muling bubuksan,
Kelan ang puso ay wala ng sakit na pinapasan?Saan ang dulo at umpisa,
Umpisa na muling aasa?
Na pusong ito ay hindi na magdurusa,
At hindi na ko muli pang mag-iisa.Pusong ito makikita na ba ang hangganan,
Hangganan na tunay na pag-ibig na ang matatagpuan,
Handa na bang mahalin ka ng walang hanggan,
Puso ng isa't isa ay ating tulungan.Sabay nating salubungin ang kinabukasan,
Kinabukasan na wala ng sakit na pinapasan,
Puso't damdamin ay pagod na masaktan,
Kalimutan s'ya, ikaw na nga ba ang kasagutan?LOVE WITHOUT ___________
Pintig ng puso ko ay naiiba,
Sa nararamdaman dapat na bang mangamba,
Ako ay umiibig na nga ba?Puso't damdamin ay natatakot,
Baka sakit lamang ang idulot,
Pero sa 'yo puso ko ay lumalambot.Baka nadarama natin ay hindi pareho,
Pero sa aking paningin ayaw kitang maglaho,
Pangarap na pag-ibig hindi hahayaang gumuho.Mamahalin kita na walang takot at pangamba,
Lalabanan ko na ang kakaibang kaba,
Hanap-hanap nitong puso ay ikaw at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...