💛LWL 💛

278 11 0
                                    

Panganay sa magkakapatid na hambog,
Huwag galitin baka s'ya'y biglang sumabog,
Ano kamo s'ya ay mahina at malamya?
Makita mo unti-unti kang mapapahiya.

Huwag mong galitin ang tahimik,
Magugulat ka na lang kapag umimik,
Imik na sa 'yo ay mapapa-isip,
Kaya talasan ang iyong pag-iisip.

May sinusunod na batas,
Batas na tila ay hindi patas,
Huwag nang magbigay babala,
S'ya pinakamatalino sa kanila.

Lalaking buhay ay hindi ordinaryo,
Nagmula sa pamilya na hatid ay bagyo,
Bago nilang miyembro ay parating,
Dugong galing sa kanya ay magiting.

Sarili ay tinatawag n'yang the best,
Anak n'ya ay walang duda na the greatest,
Ano balak mo bang umangal,
Buhay mo, gusto mo pa bang tumagal?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon