Yaz feel be like
Si Maxrill ay hindi namin nagawang pigilan,
Lumingon si Hwang at sa mata tinamaan,
Nabuwal ito at nawalan na ng buhay,
Takot sa akin ay nabubuhay.Dumating ang kanyang pamilya,
Tiningnan ang pana na ginamit n'ya,
Sa kanilang lengguwahe sila nag-uusap,
Pinagmamasdan ko ang kanilang kausap.Ang apat na lalaki ay aking tinitigan,
Si Mokz agad akong pinagbawalan,
Bawal daw sa batas nila iyon,
Kaya aking mata sa iba ko tinuon.Kay Maxwell ay nag-aalala na ko,
Baka galit sila sa akin natatakot ako,
Kina tita Maze at Mokz ako ay sumama,
Sa ospital anong kaba ang aking nadarama.Sa tawag nag-usap kami ni Maxpein,
Lahat ng importanteng gamit nagawa kong hanapin,
Hindi puwedeng malaman na taga Norte sila,
Ginawa ko ang lahat para walang maghinala.Nang mailagay na si Maxwell sa kuwarto,
Agad na binantayan ko na ito,
Nakatulog ako nang 'di ko namamalayan,
Si Maxpein ginising ako wala na pala ang aking binabantayan.Si Maxwell sa ospital sa Manila namin dinala,
Mula Korea hanggang doon ako ay sumama sa kanila,
Wala pa kong maayos na tulog si Maxpein tumabi sa akin,
Kinausap n'ya ko, mga sinasabi n'ya nahirapan akong intindihin.Lumipas ang mga araw at linggo binabantayan ko s'ya,
Hindi ako umaalis at laging nasa tabi n'ya,
Hanggang sa tinupad na ang aking hiling,
Na s'ya ay tuluyan nang magising.Mabilis kong tinawagan ang kanyang pamilya,
Maging ang mga doktor na gagamot sa kanya,
Hanggang sa kami nagkaharap at s'ya'y aking niyakap,
Habang kami ay nag-uusap, si Keziah ang kanyang hinahanap.Sumunod naman ako sa kanyang gusto,
Si Keziah ay tinawagan ko para magpunta rito,
Hanggang cellphone ko ay hiramin n'ya,
Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...